PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Yassi Pressman gives PHP100K to driver|

PHP71K ang danyos at abala, pero binuo na niyang PHP100K.
by KC Cordero
Published Dec 2, 2023
Photo of the Grab driver and Yassi Pressman
Nagkaayos na sina Yassi Pressman at ang Grab driver na ang minamanehong kotse ay nabundol ng personal driver ng aktres. (Photos courtesy of RTIA Facebook, Yassi Pressman’s IG)

Luhaang lumapit ang Grab driver na si Raymart Guinto sa programang Raffy Tulfo in Action noong December 1, 2023.

Kuwento ni Raymart noong November 21, bandang tanghali, nabundol ang kanyang minamanehong kotse ng isang SUV sa Bonifacio Global City, Taguig City.

Ang driver ng sasakyang nakabundol sa kanya ay nakilalang si Domer Rabi.

Sa kanilang pag-uusap, nalaman ni Raymart na si Domer ay driver ng actress na si Yassi Pressman.

Read: ABS-CBN stars sama-sama sa Christmas station ID; Kathryn at Daniel magkahiwalay ng frames

Grab driver crying

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Read: Gillian Vicencio on KathNiel breakup: “Wag niyo po ako idamay dito, hindi po totoo.”

Ipinagbigay-alam naman ni Domer ang insidente sa actress.

Nagkataong nasa isang coffee shop si Yassi, at sinabihan niya si Domer na puntahan siya at isama si Raymart para mapag-usapan ang aksidente.

Nang magkaharap sina Yassi at Raymart ay nangako ang actress na babayaran ang naging damage sa kotseng minamaneho nito.

Natuwa naman si Raymart at nagpa-selfie pa umano sa actress.

Read: “Golden Voice” ng Philippine radio na si Manolo Favis, pumanaw na

The accident

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Read: Marian Rivera grateful she never experienced "gipit moments"

Pero kuwento ni Raymart sa programa, nang maipa-estimate na niya kung magkano ang magagastos sa naging damage sa kanyang minamanehong sasakyan ay hindi na niya mahagilap si Domer.

Sinabi rin niya na eleven days na siyang hindi nakakapasada dahil sira pa ang kanyang sasakyan.

Read: 8 most painful breakups of reel-and-real couples in showbiz

Kinontak naman ng programa si Yassi, na agad humingi ng pasensiya kay Raymart.

Nangako rin si Yassi na babayaran ang magagastos ni Raymart sa pagpapa-repair na aabot sa PHP49,000.

Bukod dito, sasagutin din niya ang nasa PHP22,000 na dapat ay naging kita ni Raymart sa 11 araw na hindi ito nakapasada.

At bilang Christmas gift na rin ni Yassi kay Raymart, bibigyan niya ito ng kabuuang PHP100,000.

Read: Maja Salvador, Rambo Nuñez expecting first child

Yassi and the Grab driver

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Read: Maja Salvador, Rambo Nuñez expecting first child

Tinupad ng actress ang kanyang pangako.

Makalipas ang dalawang oras, nagkita sila ni Raymart at ibinigay niya rito ang pera.

Pinuri naman ng netizens ang generosity ni Yassi. Bagamat medyo may delay, sulit na sulit naman ang paghihintay ni Raymart.

Read: Kapuso stars aariba sa Metro Manila Film Festival 2023

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Nagkaayos na sina Yassi Pressman at ang Grab driver na ang minamanehong kotse ay nabundol ng personal driver ng aktres. (Photos courtesy of RTIA Facebook, Yassi Pressman’s IG)
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results