PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Yassi Pressman on Batang Quiapo

Ruru Madrid makakatapat ulit ang action series ni Coco Martin.
by PEP Troika
Published Oct 30, 2023
Yassi Pressman during the Black Rider presscon
Magiging leading lady ni Ruru Madrid si Yassi Pressman sa Black Rider, na makakatapat ang action series ni Coco Martin, na dating nakatambal ni Yassi sa FPJ's Ang Probinsyano.
PHOTO/S: Gorgy Rula

GORGY RULA:

Bigating action stars ang major support sa bagong action-drama series ni Ruru Madrid na Black Rider.

Napansin naming madami-dami sa kanila ang nanggaling sa FPJ’s Ang Probinsyano ni Coco Martin at naging malapit na kaibigan ng Kapamilya actor.

Bukod kay Yassi Pressman na leading lady ni Ruru dito, kasama rin sina Raymart Santiago, Joem Bascon, Janus del Prado, at Empoy Marquez na naging bahagi ng dating teleserye ni Coco.

Read: Yassi Pressman, tuloy na ang pagbabalik-Kapuso; leading lady ni Ruru Madrid sa 'Black Rider'

Kaya sa media conference ng Black Rider nung Biyernes, October 27, 2023, tinanong namin si Yassi kung nagpaalam ba siya kay Coco bago niya tinanggap ang action series.

Sagot ni Yassi, "Nagpasabi po ako. Hindi pa po kami nagkikita po. Sinabi ko rin, siyempre, nagkakamustahan kami kapag may nakikita akong mga tao na kasama doon sa show."

Pero nagpapasalamat siya sa mga taga-ABS-CBN dahil nung nagpaalam daw siya kay Ms. Cory Vidanes, kaagad daw siyang pinayagan.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"I'm very very grateful na binigay niya po yung blessing na gawin ko po itong project na ito," lahad ng aktres.

"Ngayon naman po, sinabi nga po kanina, wala na pong network wars, kaya very, very grateful po talaga na merong mga trabaho.

"At the end of the day, siyempre kailangan din nating magtrabaho para dun sa pamilya natin.

"And, most of all, siyempre, I think it's a good way to challenge also to do even better.

"Siyempre, lagi ko pa rin pong pinapanood ang Batang Quiapo, at siyempre ang buong pamilya ko po dun, sina Coco, napakagagaling pa rin naman po talaga. Sobra!

"It's a good challenge din po para sa akin," sabi pa ni Yassi.

Read: Batang Quiapo main cast and their roles

JERRY OLEA:

Sabi ni Coco Martin kay Ruru, pinaghahandaan na nila ang pagsisimula ng Black Rider sa November 6.

Pangalawang pagkakataon na itong pagtatapat ng kanilang programa, at nahihiya raw si Ruru kapag sinasabi ng iba na ang Lolong niya ang nagpatumba sa FPJ’s Ang Probinsyano na nagtagal sa ere ng pitong taon.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Read: Ruru Madrid, hindi naniniwalang napatumba ng Lolong ang FPJ's Ang Probinsyano

Pahayag ni Ruru, “I wouldn't say na ang Lolong po yung nagpatumba sa Probinsyano. I mean, siyempre, ang tagal nilang umere for seven years.

"Siguro, na-timing lang din na nung time na yun na kami po yung umeere.

"But to be honest, yung competition, nandiyan lang po naman iyan.

"Hindi naman po mawawala iyan. Pero for me, kesa makipag-compete ako with other people, I'd rather compete with myself, so that every day, may lagi po akong napapakita.

"At kilala nyo naman ako, ever since ganyan ako. Gusto ko lagi akong nag-i-improve."

Dagdag na pahayag ni Ruru, "Lagi ko napapatunayan na kaya ko yung mga bagay, so dun ako mas naka-focus at napagaling."

Before Lolong, ang pinagbidahan ni Ruru ay ang pelikulang Cara x Jagger na “nasagasaan” sa takilya.

Nitong Setyembre 20, 2023, bale patikim ang tambalang Ruru-Yassi sa pelikulang Video City: Be Kind, Please Rewind, na hindi masyadong kinagat ng moviegoers.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Kaya abangan natin kung mapapatumba ba ng Black Rider ang FPJ’s Batang Quiapo.

Maliban kina Ruru at Yassi, major characters dito sina Matteo Guidicelli, Katrina Halili, at Jon Lucas, na kagaya ni Ruru ay member ng Iglesia Ni Cristo.

Teka! Matutuloy pa kaya ang TV adaptation ng pelikulang Saan Nagtatago Ang Pag-ibig? kung saan co-stars sana ni Yassi sina Marco Gumabao at Ken Chan?

NOEL FERRER:

Hindi itinanggi ng kaibigan nating si Ruru na nandiyan ang pressure sa kanya. Pero mas iniisip na lang daw niya kung paano pa nila pagandahin ang Black Rider.

Aniya, "Siyempre po, may pressure. Of course, lahat naman po tayo gustong maging successful po yung mga projects po na ginagawa natin.

"But for me more than anything else, yung makapagbigay po ng magandang programa sa mga manonood, mas nakatutok po ako dun.

"Ahhh, I mean as an actor, my goal is to entertain people. So dun po ako mas naka-focus, rather than competing or ma-pressure sa mga bagay."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

But like any good and bemedalled soldier of the network, hangad natin ang success ni Ruru sa kanyang mga projects!!! All the best!!!

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Magiging leading lady ni Ruru Madrid si Yassi Pressman sa Black Rider, na makakatapat ang action series ni Coco Martin, na dating nakatambal ni Yassi sa FPJ's Ang Probinsyano.
PHOTO/S: Gorgy Rula
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results