PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Ricci Rivero's Old Post Resurfaces After KathNiel Split

Was Ricci pertaining to Andrea's alleged third-party role?
by Bong Godinez
Published Dec 3, 2023
Ricci Rivero, Andrea Brillantes, KathNiel
Ricci Rivero's post in October is being dissected by netizens for potential clues connected to the breakup of Kathryn Bernardo and Daniel Padilla. Ricci's ex-girlfriend, Andrea Brillantes, is being accused by some KathNiel fans as the reason behind the split.
PHOTO/S: Ricci Rivero (X)

Patuloy pa rin ang paglabas ng sari-saring ispekulasyon tungkol sa dahilan ng hiwalayang Kathryn Bernardo at Daniel Padilla.

Huwebes, November 30, 2023, nang yanigin nina Kathryn at Daniel ang showbiz matapos nilang kumpirmahin na hiwalay na sila.

Tumagal ng 11 years ang relasyon nina Kathryn at Daniel.

Kasabay ng anunsiyo nito ang lungkot at galit sa marami nilang tagahanga, at ang haka-haka na merong third-party diumano sa panig ni Daniel.

Isa nga sa maugong na pangalan na itinuturo ng netizens ay ang aktres na si Andrea Brillantes bilang dahilan ng paghihiwalay ng long-time couple.

Lumutang din ang pangalan ng isa pang Kapamilya actress na si Gillian Vicencio, at pinagpiyestahan ang screen shots ng conversation na nagdadawit sa batang aktres.

RELATED STORY

Naglabas ng maikling statement si Gillian na kung saan ay itinanggi niya na may kinalaman siya sa hiwalayan nina Kathryn at Daniel.

Si Andrea naman ay tahimik pa rin at hindi pa naglalabas ng kanyang panig kaugnay sa kontrobersiya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

ANDREA-RICCI PAST

For some reason,muling naungkat ang lumang post ng PBA player na si Ricci Rivero sa X (dating Twitter).

Si Ricci ay ex-boyfriend ni Andrea at naging kontrobersiyal din ang kanilang paghihiwalay na nangyari nung Mayo ng taong ito.

Third-party din ang itinuturong dahilan kung bakit naghiwalay sina Andrea at Ricci.

RELATED STORY

Na kay Andrea ang simpatiya ng maraming netizens dahil si Ricci diumano ang "nagloko" at "nambabae."

Nahuli raw ni Andrea na may babae sa condo ni Ricci, na itinanggi namang siya ang pinuntahan ng babae dahil kasama raw ito ng isang kaibigan na bumisita sa kanya noong gabing iyon.

RELATED STORY

At kahit tapos na ang relasyon nila ni Andrea nung naglabasan ang mga larawan ni Ricci with Leren Mae Bautista, inulan pa rin ang cager ng pangungutya mula sa mga fans ni Andrea.

RICCI'S OLD POST

Dahil sa pagkakadawit ng pangalan ni Andrea sa hiwalayang Kathryn at Daniel ay muling binalikan ng ilang netizens ang post ni Ricci nung October 21, 2023, kung saan ay sinabi nito na lalabas rin ang katotohanan.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Ayon kay Ricci sa kanyang post (published as is), ‘di ba dinadamay nila ‘yung isa na walang kasalanan? Dahil ngayon nagsasalita na ako pumapatol na? Antayin natin yung time is the ultimate truth teller nang magkaalaman sino talaga [LOL, tea emojis] isama kita sa washing machine eh."

Ricci Rivero, Andrea Brillantes, KathNiel

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Marami tuloy ang naintriga sa "time is the ultimate truth teller" na katagang binitawan ni Ricci.

Gumana ang mapaglarong isip ng netizens na hindi kaya may koneksyon ang lumang tweet na ito sa intriga ng KathNiel at ni Andrea.

Ang tweet na iyon ni Ricci ay nag-ugat sa sagot niya sa mga patutsada ng content creator at aktres na si Bea Borres na kaibigan ni Andrea.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Walang pangalan na binanggit si Bea sa kanyang tweet, pero sa palagay ni Ricci ay siya ang tinutukoy nito.

RELATED STORY

Hirit ni Ricci kay Bea sa X, “puro tweet, Bea. Gusto mo maglabasan tayo ng labada? Tara sabihan tayo kung sino talaga kumakabit? Hingi ka lifeline para may bala ka bago ka mag reply publicly for your publicity. Sayang pakikiaalam mo kung di ka kasama sa headline."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Hindi naman malinaw kung sino ang tinutukoy ni Ricci na "kumakabit."

Kaugnay ng sagot na iyon ay sinabi ni Ricci sa Marites University channel sa YouTube na "sumusobra na sila" at "meron naman talaga akong alam sa kanila pareho pero di ako nagsasalita kase di ako yung tao para manira."

Nauna nang sinabi ni Bea na pinag-iisipan niyang magsampa ng cyberlibel complaint laban kay Ricci dahil sa mga sinabi nito laban sa kanya.

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Ricci Rivero's post in October is being dissected by netizens for potential clues connected to the breakup of Kathryn Bernardo and Daniel Padilla. Ricci's ex-girlfriend, Andrea Brillantes, is being accused by some KathNiel fans as the reason behind the split.
PHOTO/S: Ricci Rivero (X)
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results