PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Andrea Brillantes Seeks Loyal Partner

"Honestly, tinitignan ko itong 2023 as pinakamalas ko sa pag-ibig..."
by Khryzztine Joy Baylon
Published Nov 22, 2023
Andrea Brillantes on highlights of her 2023
Andrea Brillantes on lessons she learned in 2023: "Natutunan ko rin sa 2023 is, lahat talaga tayo ay aangat at babagsak. Basta ang importante, lahat tayo ay aangat pa rin kapag na-acknowledge natin yung mga maling ginawa natin."
PHOTO/S: Screengrab from Luis Manzano YouTube

Memorable ang 2023 para sa Kapamilya actress na si Andrea Brillantes.

At marami man siyang pinagdaanang kabiguan at pag-iintriga—sa kanyang love life at career—malaki pa rin ang ipinagpapasalamat niya lalo pa't nananatili siyang matapang at matatag.

Read:

Ito ang ibinahagi ni Andrea sa YouTube vlog ni Luis Manzano nitong Martes, November 21, 2023.

Pero ang highlight ay ang sinapit ng kanyang buhay pag-ibig, na tinagurian niyang "pinakamalas."

Matatandaang naging kontrobersiyal ang hiwalayan nila ng ex-boyfriend na si Ricci Rivero nitong May.

Tumagal din ng isang taon ang publicized romance nila na nagsimula, officially, noong April 9, 2022.

Read: Andrea Brillantes posts cryptic message after ex-boyfriend Ricci Rivero confirms relationship with Leren Mae Bautista

Ani Andrea, "Honestly, tinitignan ko itong 2023 as pinakamalas ko sa pag-ibig, in terms of romantically.

"Pero pinakasuwerte ko rin sa pag-big sa fans, sa friends, sa co-stars ko, sa casual viewers ko, sa management ko.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"As in, ito po talaga yung pinakamalas ko sa pag-ibig romantically.

"Pero grabe naman yung balik sa akin, sa life ko itself.

"Sa pagta-travel ko, sa brand ko sa make-up, sa fans ko.

"Grabe yung sukli, grabe naman yung balik kasi nga sobrang malas ko sa pag-ibig."

Read: Andrea Brillantes: "May mga bagay na kailangan ko lang pagdaanan, hindi dapat tambayan."

Marami rin daw natutunan si Andrea mula sa mga naging karanasan sa taong ito.

Saad niya, "Yung 2023 rin is yung year of growth and learning from my mistakes and pagbabawi.

"And for me, parang repaying karma. Kasi ang daming good karma sa 2023 ko, ang dami ring bad karma.

"I've also been vocal na ang dami kong toxic traits before na ngayon inaayos at tinatanggal ko na.

"Kasi gusto ko na lang lagi na nasa ikabubuti na lang lahat ng ginagawa ko."

Read: Andrea Brillantes grilled if she still cries over her ex: “Natatawa lang po.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Dagdag pa niya, "Natutunan ko rin sa 2023 is, lahat talaga tayo ay aangat at babagsak. Basta ang importante, lahat tayo ay aangat pa rin kapag na-acknowledge natin yung mga maling ginawa natin."

ANDREA ON QUALITIES SHE LOOKS FOR IN NEXT BOYFRIEND

Tanong ni Luis: Kung sakali mang makahanap siya ng susunod na mamahalin, anu-ano ang mga katangiang gusto niyang taglay ng isang lalaki?

Sagot ng dalaga, "Ang dami ko dating sinasabi, pinagdarasal ko pa nga.

"Yung dati, faithful, na ngayon ang hirap na, kaya loyal na lang. Puwede na yung loyal, maging loyal ka na lang."

Naniniwala raw kasi si Andrea na malaki ang pagkakaiba ng pagiging loyal at pagiging faithful sa aspeto ng relasyon.

Lahad niya, "Sa mga hindi nakakaalam, iba ang loyal sa faithful.

"Ang loyal kapag may dumaan na chicks, titingin iyan, pero doon pa rin siya sa mahal niya.

"Ang faithful, kahit may chicks diyan, hindi titingin lang ako sa asawa o love of my life, ganon ang faithful.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

"Puwede ka pa rin naman ma-attract, normal lang naman iyon bilang tao na ma-attract ka pa rin sa iba, pero doon ka pa rin sa mahal mo at wala kang gagawin sa feelings mo na iyan, loyal iyan.

"Ang faithful, kahit lahat pa ng sexy na babae nasa harapan mo, hindi ka titingin at hindi ka makaka-feel ng any attraction ganyan."

Read: Andrea Brillantes admits crush on Ina Raymundo’s son Jakob Poturnak: “Hi, Jakob! If you’re watching, I’m single now.’”

Sundot na tanong ni Luis, "So ang hinahanap mo, hindi na faithful, loyal na lang?"

Mabilis na sagot ni Andrea, "Loyal na lang. Ang hirap, e. Pero kung may faithful, Lord please.

"Yun talaga, loyal, maalaga, gentleman, marespeto, totoong lalaki.

"Ayun na lang hinihingi ko, a real man. Kasi a real mean, I believe they know how to settle, alam nila kung paano na makunteno sa isa, at gusto ko talaga one-woman man.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"Kasi ang dami ko ng list non, e, dapat hindi ka cheater, hindi ka liar."

Read: What is Ricci Rivero’s reaction to Andrea Brillantes claiming that he cheated on her?

Sa estado raw ngayon ni Andrea, ang gusto na niyang mahanap ay ang lalaking kaya siyang pahalagahan at panindigan.

Read: Ricci Rivero responds to Bea Borres "hanggang hard launch nag mamalinis" cryptic tweet

Sabi niya, "Ang totoong lalaki for me is hindi iyan nagsisinungaling talaga.

"Alam niya kung paano aminin yung katotohanan na buong-buo, hindi yung ang dami pang pasikot-sikot.

"Na-oo aamin, pero hindi lahat [aaminin]. Kumbaga I don't want a boy, I want a man. That's what I need.

"Sobrang hectic na ng buhay ko, gusto ko na ng tunay na lalaki. Saka hindi ko kailangan ma-insecure.

"Kailangan ko yung buung-buong lalaki."

Read: Who does Ricci Rivero's father Ruzcko allude to in “pakitang tao para mapag-usapan” post?

Samantala, nananatili pa ring tikom ang bibig ni Andrea sa pagkakasangkot ng kanyang pangalan sa umano'y hiwalayan nina Kathryn Bernardo at Daniel Padilla.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Read: Daniel Padilla, Kathryn Bernardo spotted together at an event amid breakup rumors

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Andrea Brillantes on lessons she learned in 2023: "Natutunan ko rin sa 2023 is, lahat talaga tayo ay aangat at babagsak. Basta ang importante, lahat tayo ay aangat pa rin kapag na-acknowledge natin yung mga maling ginawa natin."
PHOTO/S: Screengrab from Luis Manzano YouTube
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results