Bumuhos ang simpatiya ng netizens sa post ng nakatatandang kapatid ni Kathryn Bernardo na si Kaye Bernardo sa Facebook nitong nakaraang December 1, 2023.
Ang post ni Kaye ay tila may pasaring tungkol sa karma na hango sa lyrics ng kanta ng American singer na si Taylor Swift na may titulong "Karma.”
Base sa Facebook reel na ibinahagi ni Kaye, nakasaad dito:
“Karma’s gonna track you down
“Step by step from town to town
“Sweet like justice, karma is a queen
“Karma takes all my friends to the summit”

Pinag-usapan ito ng netizens dahil baka tumutukoy ito sa totoong sanhi ng hiwalayan nina Kathryn at Daniel Padilla.
Read: PEP OUTTAKES: Why we're all affected by KathNiel breakup
“Cheating” diumano ang dahilan kaya naghiwalay ang KathNiel matapos ang labing-isang taong relasyon.
Read: Gillian Vicencio's name gets dragged into Kathryn Bernardo-Daniel Padilla breakup
Komento ng isang netizen sa post ni Kaye, “Hugs to you ma'am kayexalate donarber I know subrang sakit sa inyu sapagkat kapatid mu ang sinaktan.kaming mga fans niya nasaktan nang subra ! How much more pa Kaya ikaw na ate.”

Dagdag ng isa pa, “Mas masakit talaga pag nakikita mong kung paano nasasaktan Ang kapatid.”

THE BREAKUP
Ilang linggong pinag-usapan ang diumano'y hiwalayan ng KathNiel hanggang noong November 30, 2023, inihayag ni Kathryn sa pamamagitan ng Instagram na sarado na ang kabanata ng kanilang pag-iibigan ni Daniel.
Bahagi ng pahayag ni Kathryn, “Like any other relationship, we tried our best to make it work. We've been drifting apart for a while now, and we ultimately had to accept that we can't go back to where we used to be. It just won't be fair to pretend that everything is still the same.
“These past few months have been tough, but thank you for giving us the time we need to process the pain and finally face the elephant in the room.
"Our love story began with respect and ended with respect.”
Read: Kathryn Bernardo confirms breakup with Daniel Padilla
Bahagi naman ng pahayag ni Daniel tungkol sa hiwalayan nila ni Kathryn, “Ang mga alaala natin ay laging kong baon sa aking puso at magiging liwanag sa mga madidilim kong araw.
"Thank you for dancing with me during my highs and thank you for singing with me during my lows
"Our lives may drift away, but our love will still ride that tide."
Read: Daniel Padilla on breakup with Kathryn Bernardo: "Ang pagmamahal ko sayo ay walang hanggan."
Ayon sa ABS-CBN, nirerespeto at nauunawaan ng management at Star Magic ang naging desisyon nina Kathryn at Daniel na maghiwalay na.
Hiniling din ng ABS-CBN na irespeto ang naging pahayag ng dating magkasintahan.
