PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Xander Ford's Apology Timing Questioned

Netizen to Xander Ford: "Hindi ka naman kilala ni Kathryn."
by Arniel C. Serato
Published Dec 4, 2023
Xander Ford still seeks apology from Kathryn Bernardo after caling her "sakang"
Netizens criticize Xander Ford (left) for the timing of his apology to Kathryn Bernardo (right) amid KathNiel breakup.
PHOTO/S: Courtesy: Instagram

Sinita ng netizens ang social media personality na si Xander Ford dahil sa ipinost nito sa kanyang Instagram ngayong Lunes, December 4, 2023.

Screenshot ito ng kanyang direct message kay Kathryn Bernardo sa Instagram account ng aktres.

Mababasa rito ang pakikisimpatiya ni Xander kay Kathryn matapos ang announcement nitong tinuldukan na nila ni Daniel Padilla ang kanilang 11-year relationship.

Read: Kathryn Bernardo confirms breakup with Daniel Padilla

Inamin din niyang nagkamali siya noon sa mga masamang salita na sinabi niya kay Kathryn.

Read: Daniel Padilla on breakup with Kathryn Bernardo: "Ang pagmamahal ko sayo ay walang hanggan."

Bahagi ng mensahe ni Xander kay Kathryn (published as is), “Opo nagkamali ako sayo 7 yrs ago, nakapagsalita ako ng hindi maganda sayo at ngayon hinihingi ko ng tawad sayo yun ate Kath.”

Labis daw niyang pinagsisisihan ang yugtong iyon ng kanyang buhay.

Caption niya sa post, “7yrs Ago pero hangang ngayun bumabagabag parin sa isip ko sana ate kath isang araw mapatawad mo po ako”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Tila hindi naman nagustuhan ng maraming netizens ang post ni Xander.

Sabi ng isang netizen, “Okay, bat kelangan I post?”

Tugon ni Xander, “kasi kahit dito makita nya at malay ko magreply po sya.”

Xander Ford netizens

Puna ng isa, paano ito mababasa ni Kathryn kung sa maling account ito nagpadala ng mensahe.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Saad niya, “pano mag seen at reply ay hnd naman yan ang acct ni kath [lauging emojis] meron na syang 19.7M follower [lauging emojis]”

Xander Ford netizens

Pansin ng iba, feeling close umano si Xander at nagpapapansin.

Xander Ford netizens

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Xander Ford netizens

Xander Ford netizens

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Xander Ford netizens

Matatandaang noong October 2017, may nag-upload ng lumang videos ni Xander, kung saan sinabihan niyang "sakang" si Kathryn

Maririnig sa nasabing video ang tila boses ni Xander na nagpo-promote ng ABS-CBN primetime series na La Luna Sangre, ang pinagbibidahang action-fantaserye nina Kathryn at Daniel noon.

Sa video ay hindi makikita ang mukha ng nagsasalita.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Ngunit maririnig ditong sinabi ng nagsasalita, “Spoiler po talaga ako. Gusto ko lang po sabihin sa inyo na yung lobo pong ginaganapan ni Kathryn Bernardo po, sakang po yun.”

Pagkatapos ay may maririnig na ibang boses na tila natawa sa sinabi ng kasama.

Patuloy ng naunang boses, “Kaya po sa mga naniniwalang gustong maging No. 1 FHM model si Kathryn Bernardo, huwag na po kayong umasa.

"Never pa akong nakakita ng sexy na sakang ang paa.”

Read: Xander Ford: "Sorry sa lahat ng mga apektado sa video na lumabas, lalo na kay Ate Kath."

HOT STORIES

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Netizens criticize Xander Ford (left) for the timing of his apology to Kathryn Bernardo (right) amid KathNiel breakup.
PHOTO/S: Courtesy: Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results