PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Daniel Padilla on Kathryn Split: Love Endures

"Ang mga alaala natin ay lagi kong baon sa aking puso..."
by Rachelle Siazon
Published Nov 30, 2023
Daniel Padilla and Kathryn Bernardo celebrate 11 years of KathNiel love team
Daniel Padilla on girlfriend of 11 years Kathryn Bernardo: "Ang mga alaala natin ay lagi kong baon sa aking puso at magiging liwanag sa mga madidilim kong araw."
PHOTO/S: Rachelle Siazon

Naglabas na rin ng pahayag si Daniel Padilla kaugnay ng hiwalayan nila ni Kathryn Bernardo.

Ipinost ni Daniel ang kanyang mensahe ilang minuto matapos ang pahayag ni Kathryn ngayong Huwebes, November 30, 2023.

Hindi nagbigay ng dahilan si Daniel kung bakit sila nag-break ni Kathryn.

Ang tanging sinabi niya ay hindi mawawala ang pagmamahal niya sa dalaga sa kabila ng kanilang hiwalayan.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Ang makatang pahayag ni Daniel: "Pagibig.

"Sa mundo, buhay at sa limitadong oras na tayo ay nandito,

"Isang malaking biyaya ang pagmamahal.

"Ang mahalin ka. At mahalin mo.

"Ang mga alaala natin ay laging kong baon sa aking puso at magiging liwanag sa mga madidilim kong araw.

"Thank you for dancing with me during my highs and thank you for singing with me during my lows

"Our lives may drift away, but our love will still ride that tide."

Nag-iwan din si Daniel ng mensahe sa solid fans ng KathNiel at sinabing umaasa siya na maghihilom din ang sugat na dala ng pangyayari sa pagitan nila ng nobya.

Sabi ni Daniel: "Kathniels, Maraming salamat sa pag mamahal ninyo. maraming salamat sa napaka gandang pinag samahan natin. Hinding hindi namin ipag papalit at hindi makukumpara kahit anong pang gawin nila. Hinding hindi nila pwedeng sirain yun. This is beyond show business. Pamilya kayo at mga kaibigan.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"Magiging mahirap pero kailangan natin yakapin ang kinabukasan.

"I pray for us to grow, and heal."

Sa huli, dagdag ni Daniel, "Bal, ang pag mamahal ko sayo ay walang hanggan at walang katapusan."

RELATED STORIES:

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Daniel Padilla on girlfriend of 11 years Kathryn Bernardo: "Ang mga alaala natin ay lagi kong baon sa aking puso at magiging liwanag sa mga madidilim kong araw."
PHOTO/S: Rachelle Siazon
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results