Trending na usap-usapan ngayon sa X (dating Twitter) ang P-pop superstar na SB19, matapos ianunsiyo ng 1Z Entertainment na naayos na ng SB19 members ang isyu sa pagitan nila at dati nilang talent management na ShowBT.

Ang isyung nabanggit ay may kaugnayan sa trademark ng pangalang SB19, logo, at ang copyright ng mga orihinal nilang mga kantang diumano'y pagmamay-ari ng ShowBT, isang Korean company.
Taong 2018 nang mabuo ang SB19 sa katauhan nina Pablo, Stell, Josh, Justin, at Ken, sa ilalim ng pamamahala ng ShowBT.
Read: SB19 Stell pinasalamatan ang utak sa "Gento"; nagkomento sa copyright issue
Pero noong June 2023, nagdesisyon ang grupo na kumalas sa ShowBT at bumuo ng sariling kumpanya, ang 1Z Entertainment.
Read: SB19 congratulates A'TIN for historic 2023 Billboard Fan Army Face-Off win
Hanggang noong November 11, 2023, ginulat ng SB19 ang kanilang fans matapos nilang tanggalin sa kani-kanilang personal lG accounts bio ang kanilang group name na "SB19."
Dito na rin nagsimulang lumabas ang ilang espekulasyon ukol sa hindi magandang estado ng relasyon ng SB19 sa dati nilang management.
Dumagdag pa rito ang hindi na nila paggamit ng "SB19" sa kanilang promo materials at ang sunud-sunod nilang pagkansela sa Pagtatag Asia Tour sa Bangkok, Singapore, at Dubai.
Read: SB19 members drop "SB19" on IG bio and handle; SB19 trademark owned by ShowBT
At nitong Martes, December 6, tuluyan nang nagsalita ang grupo para ianunsiyong naayos na nila ang isyu sa pagitan nila at ng ShowBT.
Ayon sa inilabas na statement na 1Z Entertainment, may maayos na agreement na ang SB19 sa dati nilang talent management.
Kabilang sa napagkasunduan, na mananatili sa grupo ang rights sa paggamit ng kanilang group name na "SB19" maging ang kanilang iconic logo.
Mababasa sa kanilang pahayag, “We formally announce that we have come to an amicable agreement with ShowBT Philippines Corp. through a fair and equitable resolution."
Kalakip nito ang pasasalamat ng 1Z Entertainment sa patuloy na suporta ng fans o A'TIN kina Pablo, Stell, Josh, Justin, at Ken.
Saad nila, “Thank you for your patience and unwavering support toward SB19 and 1Z Entertainment.
“Pablo, Josh, Stell, Ken, and Justin eagerly anticipate reconnecting with all of you in their upcoming endeavors. We can’t wait to see you all again soon.”
Read: Stell Ajero, tiniyak na di mabubuwag ang SB19 kahit may solo projects sila
