PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Katrina Halili on current boyfriend: ""Happy ako kung siya.""

Katrina Halili says her boyfriend is "all in one."
by Bernie V. Franco
Published Dec 9, 2023
Katrina Halili
Katrina Halili on being private about her non-showbiz boyfriend: “Hindi ko ide-deny. Hindi ko rin naman isho-show off…”
PHOTO/S: PEP.ph / Facebook (Katrina Halili)

Nagkuwento si Katrina Halili tungkol sa kanyang non-showbiz boyfriend.

Magtatatlong taon na raw sila at nagsimula ang kanilang relasyon noong 2020.

Paliwanag pa ni Katrina, hindi na niya kailangang ipangalandakan ang kanyang special someone dahil hindi naman ito tiga-showbiz.

Pero hindi rin niya idedenay ang boyfriend.

“For me kasi, parang hindi naman kailangang i-open sa public yung relationship, di ba? Hindi mo naman din dapat i-deny,” paliwanag niya sa PEP Live interview noong November 23, 2023.

“Wala naman kaming movie para i-promote. For me kasi, yung private life ko, private life ko yun, e.

“Pero hindi ko ide-deny. Hindi ko rin naman iso-show off…”

Nakikita ba niya ang boyfriend bilang for keeps?

Sagot ni Katrina, “Too early [to tell]… happy naman ako kung siya. Kasi kung siya kasi komportable ka, di ba?

“Yun naman yung importante and yun din naman ang winish ko—parang may companion ako, na hindi ako naiilang, or nagagawa ko pa rin ang gusto ko. Hindi ko binabago ang sarili ko para sa yo. Eto pa rin ako.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Diretsa rin niyang sinabi kung bakit masaya siya sa kanyang karelasyon ngayon.

“Walang sugarcoating. May companion ka, may kasama ka. Para akong may kapatid, para akong may all-in-one.”

Read:

POSITIVE INFLUENCE IN HER LIFE

Ikinuwento rin ni Katrina na nagkaroon siya ng katuwang sa pagpapalaki sa kanyang 10-anyos na anak na si Katie.

Si Katie ay anak ni Katrina sa dating karelasyong si Kris Lawrence.

Sabi ng Kapuso actress ukol sa current boyfriend, “Happy ako kasi parang nagkaroon ako ng best friend, nagkaroon ako ng parang guidance din kay Katie.”

Nakita raw ni Katrina ang kanyang boyfriend ay nirerespeto ng kanyang anak.

Aminado kasi si Katrina na hindi madali ang magpalaki ng anak. Kaya ginaya raw niya ang pakikitungo ng boyfriend sa kanyang anak.

“Ginaya ko. Parang dapat ganon pala, ha. Super happy ako kasi ang dami kong natutunan.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Nae-enjoy ko and di lang kay Katie. Naggu-grow kaming dalawa ng anak ko sa kanya,” sabi ng aktres ukol sa pagiging positive influence ng kanyang boyfriend.

HOT STORIES

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Katrina Halili on being private about her non-showbiz boyfriend: “Hindi ko ide-deny. Hindi ko rin naman isho-show off…”
PHOTO/S: PEP.ph / Facebook (Katrina Halili)
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results