Kapansin-pansin ang hindi pagpapansinan nina Kyline Alcantara at Mavy Legaspi sa isang event ng isang softdrink brand na pareho nilang dinaluhan.
Sa TikTok, ibinahagi ng ilang nanood ng event na hindi nagkikibuan sa stage ang magkasintahan, senyales na tila tinuldukan na nga nila ang kanilang ugnayan.
Read: Carmina Villarroel posts cryptic tweet amid Mavy Legaspi, Kyline Alcantara rumored breakup
Ayon sa post ng isang tagahanga, “Walang pansinan Kyline & mavy #kylinealcantara #mavylegaspi”
@trendingvivid Walang pansinan Kyline & mavy???? #kylinealcantara #mavylegaspi ? Only Love Can Hurt Like This (Slowed Down Version) - Paloma Faith
Makikita sa video na patapos na ang programa at nagpasalamat na ang host kina Kyline at Mavy.
Mapapansing nagmamadaling um-exit si Kyline sa likod ng stage.
Bago ito, tila inabot ni Mavy ang kanyang kamay na parang aalalayan si Kyline pero mabilis na naglakad ang dalaga palabas ng stage.
Gayundin ang napansin ng netizens sa iba pang videos na nai-upload sa TikTok.
Ayon sa isa, “do you get deja vu huuhhhh ( #kylinealcantara #mavylegaspi #fyp )”
@stan_kyline do you get deja vu huuhhhh???? ( #kylinealcantara #mavylegaspi #fyp ? original sound - k. *.?
Sabi ng isang komento ng netizen, “mahal naman tlga sya ni mavy eh. kaso mukang ung nanay din tlaga problema”

Dagdag ng isa, “Tama ginawa ni gurl.. d na niya dapat pansinin c boy kc anjan naman yung mama niya. kawawa c kyline hayss deserved ni mavy yan kc baby pa sha"

Ayon sa isa, “hindi nya man lang tinapunan ng tingin si mavy ang cold bbgirl na yan”

Marami namang tagahanga ang nasaktan.


Post ng isa pang netizen, “Di na talaga sila nagpapansinan. Anyways ang ganda ni kyline ♥? #royal #kylinealcantara #mavylegaspi #fyp”
@samosssaaa Di na talaga sila nagpapansinan. Anyways ang ganda ni kyline ♥? #royal #kylinealcantara #mavylegaspi #fyp ? original sound - Mahila
Nitong nakaraang mga linggo ay malakas ang bulung-bulungang hiwalay na sina Mavy at Kyline.
Lalo pa itong umalab nang mag-post si Carmina Villarroel ng mga mensaheng tila may pinatatamaan.
Ang iba ay tila sagot naman sa mga cryptic post ni Kyline.
Read: Kyline Alcantara, Carmina Villarroel both post cryptic message about “peace”
