Ikinagalak ng mga kaibigan ng beauty queen na si Venus Raj ang kanyang announcement sa Instagram ngayong hapon ng Linggo, December 10, 2023, na malapit na siyang lumagay sa tahimik.
Hindi naging hayag sa publiko na mayroon palang itinatagong karelasyon ang Miss Universe 2010 4th runner-up.
Ang masuwerteng lalaki ay hindi pinangalanan ni Venus, ngunit napag-alaman ng Philippine Entertainment Portal na ito ay si North Orillan.
Masasabi ngang "major, major" blessing ito para kay Venus na walong taong single.
Panimula niya sa kanyang post, "There is blessing in waiting. [heart emoji]
"For 8 years, God allowed me to be single. Since I have fully surrendered my life to Jesus, I have never entered into a romantic relationship. I asked Him to protect my heart and to keep it until the right man comes.
"The Lord brought me to a beautiful journey of grace, joy, learning, trials, challenges, loneliness, and victories.
"In the process, I have devoted my single years in serving the Lord, serving communities, and serving my family. God is indeed the giver of good gifts, He knows His timeline for my life, and the right time has finally come."
Read: Venus Raj looks back on "major-major transformation" from college to pageant days
Ayon din kay Venus, ilang araw mula ngayon ay magsisimula na ang panibagong yugto ng kanyang buhay kasama ang tinatawag niyang "man of God" na ibinigay sa kanya ng Panginoon.
Aniya, "In a few days, I will be spending the rest of my life with this man of God that my Father has brought me to.
"My prayer is that, together, we will journey towards God’s will in fulfilling His purpose for our union.
"We pray to glorify and honor Him in our lives. We have a future ahead of us, it will not be perfect, but God is the anchor that will keep secure. [heart emoji]"
Mensahe naman niya sa mga single pa rin hanggang ngayon, manalig lamang sa Panginoon na ibibigay pa rin sa kanila ang tamang tao na kanilang inaasam.
Sabi ni Venus, "If you are still single and praying to the Lord for marriage, please know that God hears your prayers and He knows the desires of your heart.
"The answer might be — wait, yes, or no, but one thing is for sure, He knows what’s best for you. Trust His process."
View this post on Instagram
Marami naman ang bumati kay Venus sa nalalapit nilang pag-iisang dibdib nila ng non-showbiz boyfriend.


EDITOR'S NOTE: Sa unang labas ng ulat na ito ay na-misidentify ang pangalan ng groom bilang si Nelwin Uy, isang wedding photographer. Kaagad namin binago ang ulat nang matuklasan namin ang aming pagkakamali. Humihingi ng paumanhin ang PEP.ph sa kalituhang ito.
