"Mas madaming hiwalayan this year," ito ang babala ni Feng shui expert Master Hanz Cua nang makapanayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sa pamamagitan ng video call.
Patuloy niya, "Ang Rabbit last year is flirty na star—malandi, masaya, enjoying, happy-happy.
"Sa Dragon naman this year, ang issue naman natin ngayon, yung mga matagal na mag-long-term partner.
"Si mommy, si daddy, matagal na magkasama, posible ang hiwalayan.
"This year, ang hiwalayan natin is talagang banatan sa social media, pasabog dito, pa-interview dito. Talagang parinigan dahil nga sa energy ng Dragon."
Read:
Confirmed: Bea Alonzo and Dominic Roque break up; call off engagement
CONFIRMED: Jericho Rosales and Kim Jones have been separated since 2019
Payo ni Master Hanz sa mga magkarelasyon, huwag hayaang diktahan ng masidhing emosyon ang gagawin at sasabihin.
Iwasan ding ibalandra sa publiko ang lahat ng problema para mapanatili ang positive energy sa loob ng tahanan at personal na buhay.
"Do not use social media. Huwag natin hayaang palalain pa ang issue natin. Pag-usapan natin. Ano bang problema? Let's talk about it privately," saad ni Master Hanz.
Read: How to attract good fortune in Year of the Wooden Dragon, according to Feng shui coach Johnson Chua
HOW TO FIND LUCK IN LOVE
Sa mga nagtatanong kung paano susuwertehin sa pag-ibig at romansa ay narito ang ilang mungkahi.
"Ang love this year nasa northwest direction," sabi ni Master Hanz.
Sa paghanap ng northwest direction ay maaaring gamitin ang cellphone at buksan ng compass feature nito.
Tumayo sa gitna ng bedroom at ipusisyon ang cellphone nang pahiga sa tiyan saka hanapin ang northwest direction.
"Dapat yung ulo mo pag natutulog ka nasa northwest direction."
Read: Here are Feng Shui tips for wealth, career, and health this Year of the Wood Dragon
Panatilihing malinis ang northwest area ng kuwarto at tahanan para makatulong sa pag-enhance ng suwerte sa pag-ibig at relasyon.
Makatutulong din diumano ang paglalagay sa northwest direction ng kuwarto o bahay ang mga bagay na pinaniniwalaang nagdadala ng suwerte ayon sa feng shui.
Kabilang sa mga items na ito ang rose quartz crystal, happy couple, Mandarin ducks, at fertility-enhancing objects.

Rose Quartz Crystal available on Lazada

Mandarin Ducks available on Shopee
FRIDAY RITUALS
Ang payo pa ni Master Hanz sa mga single at walang karelasyon, "Every Friday, magsuot kayo ng pink na color na panty o underwear.
"If you're married naman po, red na underwear o red na panty naman po para muling uminit si sweetheart o si partner ninyo."
Applicable raw ang underwear color suggestions sa mga babae at lalaki.
Magsindi rin ng apat na kandila sa northwest direction tuwing Biyernes pagsapit ng alas otso ng gabi, at mag-wish para ma-activate ang love star.
"Kahit a few minutes lang. Be careful of fire. Huwag po tayong maglaro ng apoy," nakangiting pahayag ni Master Hanz.
May hugot din siya para sa mga hindi makapag-move on sa dating nakarelasyon o kinukursunada.
"Dapat itigil na natin yung pag-stalk kay ex. Tumigil ka na para makahanap ng bagong love life."
Read: Master Hanz, nag-react sa mga kumukuwestiyon sa sablay niyang 2020 prediction