PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

AAA 2023 sidelights not seen on live streaming

Lamesa ng NewJeans at ZEROBASONE, natumba!
by Khryzztine Joy Baylon
Published Dec 15, 2023
AAA 2023
(L-R) Stray Kids members Han and Seungmin, who were on their way to the CR, rush back to their table after 3RACHA was announced as winner of Best Creator Award; NewJeans' table collapse' and KathNiel's sweet moment .
PHOTO/S: Twitter

Isang hindi makakalimutang araw sa Pilipinas ang December 14, 2023, dahil sa kauna-unahang pagkakataon ay sa Pilipinas idinaos ang prestihiyosong Asia Artist Awards (AAA) 2023.

Ginanap ang AAA 2023 sa Philippine Arena sa Bocaue, Bulacan. Dinaluhan ito ng ilan sa pinakasikat na Korean singers at actors pati na ang libu-libo nilang mga tagahanga.

Read: Ryan Bang trends online after hosting red-carpet event of AAA 2023

Bukod sa K-pop at K-drama stars, present din sa South Korean award show ang ilang kilalang Pinoy talents na kasama sa mga tumanggap ng parangal at ilang Japanese artists.

Kabilang sa mga kinilala ay ang SB19 (Best Artists Award Singer, Hot Trend Award Singer), HORI7ON (AAA Focus Award), Ben&Ben (AAA Best Choice Award), at sina Melai Cantiveros (Best Actor Award), at ang ex-couple na sina Kathryn Bernardo at Daniel Padilla (AAA Fabulous Award TV).

Read: PH represent! SB19, HORI7ON, Ben&Ben among winners at Asia Artist Awards 2023

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Bukod sa awarding ceremony at bonggang peformances, may ilang agaw-pansin na eksena ring hindi nakuhanan ng camera at tanging ang live audience sa Philippine Arena ang nakasaksi.

HALA NATUMBA!

Trending na usap-usapan ngayon sa X (dating Twitter) ang pagkasira at pagkatumba ng lamesa ng K-pop girl group NewJeans.

Sa video na kuha ng ilang netizens, makikita ang pagyugyog ng lamesa ng NewJeans habang sila'y nakaupo at hawak-hawak ito.

Ngunit nang tumayo sila para pumalakpak ay sumabay rin ang tuluyang pagtumba ng kanilang lamesa.

Mabilis naman itong napansin ng production staff at agad silang in-assist at tinulungan.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Read: NewJeans wins two Daesang awards at Asia Artist Awards 2023 + full list of winners revealed

Bukod sa NewJeans, hindi rin nakaligtas ang lamesa ng rookie K-pop boy group na ZEROBASEONE.

Habang enjoy silang nakiki-jam sa performance ng SEVENTEEN BSS ay bigla ring nag-collapse ang kanilang lamesa. Dahilan para sila ay matawa.

Mabilis din silang nilapitan ng production staff para tulungan.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Read: Melai Cantiveros captures attention of Kim Seon Ho at AAA 2023; rocks Philippine Arena with her funny interview

STAGE MALFUNCTION

Bukod sa mga lamesa, agaw-eksena rin ang isang bahagi ng entablado ng AAA 2023.

Tila automatic kasi itong tumataas at bumababa kapag tinutungtungan ang isang bahagi nito.

Isa sa nakaranas nito ay ang NewJeans nang bigla na lamang bumaba ang tinutungtungan ng tatlo sa kanilang member.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Read: NewJeans wins two Daesang awards at Asia Artist Awards 2023 + full list of winners revealed

3RACHA called on stage as they go to restroom

Nakuhanan din ng fans ang nakakaaliw na eksena ng 3RACHA, ang producing unit ng Stray Kids.

Sa video na kuha ng netizen, makikitang naglalakad papuntang CR ang 3RACHA members na sina Seungmin at Han nang biglang tawagin ang pangalan ng 3RACHA dahil sa pagkakapanalo nila bilang Best Creator Award.

Ang 3RACHA ay binubuo nina Han, Changbin, at ang leader ng Stray Kids na si Bang Chan.

Dali-dali namang tumakbo ang dalawa pabalik sa kanilang table para umakyat sa entablado si Han, kasama sina Changbin at Bang Chan.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Read: Melai Cantiveros among AAA 2023 Best Actor Award winners: "My heart is very kuwan..."

KATHNIEL SWEET MOMENTS

Isa rin sa inabangan ng fans ang muling pagsasama ng ex-couple na sina Kathryn Bernardo at Daniel Padilla sa AAA 2023 stage.

Ayon sa mga nakasaksi, sina Kathryn at Daniel ay sabay dumating at pumasok sa venue. Magkatabi rin ang dalawa sa iisang table kasama ang Pinoy folk band na Ben&Ben.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Read: Kathryn Bernardo, Daniel Padilla on friendly terms as they accept awards at AAA 2023

Naaktuhan din ang pagbibigay at pagsusuot ni Daniel kay Kathryn ng jacket habang sila'y nakaupo at hindi pa pumapanhik sa stage.

Boynextdoor jams at SEVENTEEN BSS performance

Bakas naman na na-enjoy ng crowd ang finale performance ng SEVENTEEN BSS na sina Hoshi, DK, at Seungkwan.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Nakuhanan pa ng fans ang reaksiyon ng ilan sa kanilang kapwa K-pop groups nang sila ay mag-perform on stage.

Sa isang video ng netizen, naaliw sila sa paggaya at paghataw ng grupong BOYNEXTDOOR sa sayaw ng SEVENTEEN BSS.

Nanalo ang SEVENTEEN ng dalawang Grand Prize o Daesang: Best Performance at Best Album.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Read: All the K-Celebs on Asia Artist Awards 2023 red carpet

LEE JUNHO having fun dancing with Bang chan

Hindi rin napigilang mapaindak sa pagsayaw Ang King The Land actor na si Lee Junho sa peformance ng Stray Kids.

Sa kuhang video ng netizen, makikita si Junho na nilapitan ni Bang Chan at inayang maki-jam sa kanilang pagsasayaw at pagkanta.

Parehong Daesang winners si Lee Junho (Best Actor) at ang Stray Kids (Best Stage).

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Read: Filipino celebrities on the red carpet of Asia Artist Awards 2023

Kim Taerae AND Zhang Hao "NALIGAW" MOMENT

Sa lawak ng Philippine Arena ay tila naligaw naman ang dalawa sa ZEROBASEONE members na sina Kim Taerae at Zhang Hao.

Sa video, nakikita ang dalawa na panandaliang huminto sa paglalakad pabalik sa kani-kanilang upuan at bahagyang nagbulungan.

Read: K-Celebs reaction to Melai Cantiveros' interview and speech at Asia Artist Awards 2023

Nilapitan naman sila agad ng isa sa production staff at itinuro ang table nila.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Read: Asia Artist Awards 2023 standouts from red-carpet arrivals

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
(L-R) Stray Kids members Han and Seungmin, who were on their way to the CR, rush back to their table after 3RACHA was announced as winner of Best Creator Award; NewJeans' table collapse' and KathNiel's sweet moment .
PHOTO/S: Twitter
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results