Iniimbestigahan na ng Quezon City Police District (QCPD) ang biglaang pagpanaw ng multiawarded veteran actor na si Ronald Dulaca Gibbs o Ronaldo Valdez sa totoong buhay.
Sumakabilang-buhay si Ronaldo sa edad na 77, Linggo ng hapon, Disyembre 17, 2023.
Read: Veteran actor Ronaldo Valdez dies at 77
Ang QCPD ang unang nag-anunsyo sa publiko sa pagkamatay ng beteranong aktor bago pa maglabas ng maikling pahayag sa Instagram ngayong Lunes, December 18, ang mismong anak ni Ronaldo na si Janno Gibbs.
Read: Janno Gibbs confirms passing of dad Ronaldo Valdez
Sa pahayag ni Janno, nakiusap siya na irespeto ng publiko ang privacy ng kanilang pamilya sa oras na ito ng kanilang pagdadalamhati.
Aniya, "It is with great sorrow that I confirm my father's passing.
"The family would like to request that you respect our privacy in our grieving moment.
"Your prayers and condolences are much appreciated."
Ilang oras lamang matapos magpost ni Janno, ay naglabas din ng official statement ang QCPD hinggil sa pagkamatay ni Ronaldo.
Ayon sa kanila, kasalukuyan pa nilang iniimbestigahan ang tunay na nangyari.
Mababasa sa kanilang pahayag (published as is), “As of today, QCPD is currently conducting a thorough investigation to ascertain the cause of the death of Mr. James Gibbs aka Ronaldo Valdez.
"We understand the importance of this matter; hence, we are working diligently to gather all relevant facts and evidence."
Read: Ronaldo Valdez' talent manager posts last snaps with veteran actor taken two days before his death
Tiniyak din ng QCPD sa publiko na agad nilang ilalabas ang impormasyon sa sanhi ng pagkamatay ni Ronaldo sa sandaling matapos nila ang kanilang imbestigasyon.
Kalakip nito ang pagpapaalala nila sa publiko na iwasang gumawa ng fake news, bagkus igalang ang privacy na makapagluksa na hinihingi ng pamilya ng aktor.
Saad nila, "We assure the public that any findings from the investigation will be officially released.
"We also urge the public to refrain from concluding and respect the family's request to grieve in public."

Samantala, habang isinusulat ang artikulong ito ay hindi pa opisyal na isinasapubliko ang sanhi ng pagkamatay ni Ronaldo.
Read: Vilma Santos at Anjo Yllana, nagluluksa sa pagpanaw ni Ronaldo Valdez
