Nagbigay-pugay ang singer-actor na si Janno Gibbs sa kanyang namayapang amang si Ronaldo Valdez.
Read: Veteran actor Ronaldo Valdez dies at 77
Sa pamamagitan ng Instagram ngayong Martes, December 19, 2023, nagbahagi si Janno ng larawan nila ng ama kung saan makikitang matching ang kanilang outfit.
Maiksing sabi ni Janno sa caption, “The Sweetest Dad Ever [praying hands, heart, smiling face with hearts emojis]”
View this post on Instagram
Sa comments section ng post ni Janno ay bumuhos kaagad ng sympathy messages mula sa kapwa niya celebrity at netizens.



Natagpuang wala nang buhay si Ronaldo ng kanyang driver noong Linggo, December 17, 2023, sa kuwarto nito sa kanilang bahay sa Quezon City.
Makalipas ang ilang oras, humiling ang pamilya ni Ronaldo, sa pamamagitan ni Janno, na hayaan silang magluksa ng pribado sa pagpanaw ng ama.
Read: Janno Gibbs confirms passing of dad Ronaldo Valdez
Sa inisyal na imbestigasyon ng pulisya, walang malay habang may tama ng bala ng baril ang multi-awarded veteran actor.
Read: QCPD: Ronaldo Valdez found with gunshot wound
Bumuhos naman ang pakikiramay para kay Ronaldo sa social media mula sa mga kasamahan sa showbiz at netizens.
