PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Pacquiao Trains Rumored Son in Boxing

Netizens say Eman Bacosa is Pacman's potential successor
by Bernie V. Franco
Published Dec 19, 2023
Eman Bacosa and Manny Pacquiao
A recent TikTok video clip shows Pambansang Kamao Manny Pacquiao personally training Eman Bacosa, who is rumored to be Manny's love child.
PHOTO/S: TikTok and Michael Borja

Agaw-eksena sa pagkapanalo kamakailan ng aspiring boxer na si Emmanuel Joseph Bacosa Pacquiao, a.k.a. Eman Bacosa, ang pagyakap at paghalik nito sa pinaniniwalaang ama niya, ang boxing champ na si Manny Pacquiao.

Nanalo si Eman via technical knockout laban kay Noel Pangantao sa laban nilang ginanap sa Oval Plaza Gym General Santos City, noong December 15, 2023.

Matapos manalo, dali-daling pumunta si Eman sa kinauupuan ni Manny na nasa audience. Hinalikan niya sa noo at niyakap ang hinihinalang ama.

Makikita sa video na yumakap pabalik ang boxer-turned-politician.

Read: Eman Bacosa seen hugging, kissing Manny Pacquiao after knockout victory in latest bout

Si Eman, 19, ay anak ni Joanna Rose Bacosa, na naging laman ng balita noong 2006 and 2011 dahil humihingi ito ng child support mula kay Manny.

Si Manny ay kasal kay Jinkee Pacquiao. Mayroon silang limang anak.

Wala pang tahasang pag-amin sa panig ni Manny na siya nga ang ama ni Eman, bagamat makikita sa video na sinalubong ni Manny ang yakap at halik ng binata matapos itong manalo.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Kasunod nito, lumabas din sa TikTok ang video clip kung saan makikitang si Manny mismo ang nagtuturo kay Eman sa pagbo-boxing.

Ayon sa ulat, ang coaches ni Eman ay sina Buboy Fernandez at Dodie Boy Peñalosa.

MANNY RIGIDLY TRAINS EMAN

Sa ipinost na maiksing TikTok video, makikitang tine-train ni Manny si Eman sa loob ng ring.

Ipinakita pa ni Manny sa binata ang tamang footwork at jabbing.

Masusi ring pinagmamasdan ni Manny si Eman habang nakikipag-sparring ito sa isang trainer.

Sa isa pang eksena ay makikita si Manny na sinasabihan si Eman habang siya naman ang humarap sa trainer.

Eman Bacosa and Manny Pacquiao

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Manny Pacquiao and Eman Bacosa

Pinagsama rin sa video ang past videos ni Manny at ang videos ni Eman sa kanyang recent match.

Kung anu’t anuman, ang recent videos ng yakapan at magkasamang pagti-train nina Manny at Eman ay indikasyong kilala at malapit sila sa isa’t isa.

Bukod pa sa video ay may mga nauna nang larawang lumabas na magkasama sina Eman at Manny.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

NEXT BOXING CHAMP?

Sunud-sunod naman ang comments sa video. Marami rito ay nagsasbaing hindi raw maipagkakailang magkahawig sina Manny at Eman.

Marami rin sa komento ang umaasang magiging matagumpay si Eman sa pagsunod nito sa yapak ni Manny.

Komento ng ilan, si Eman daw ang susunod na boxing legend tulad ni Manny na sinasabing kanyang ama.

comments

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

comments

comments

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

HOT STORIES

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
A recent TikTok video clip shows Pambansang Kamao Manny Pacquiao personally training Eman Bacosa, who is rumored to be Manny's love child.
PHOTO/S: TikTok and Michael Borja
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results