Kabilang ang aktres na si Yayo Aguila sa nagluluksa sa biglaang pagpanaw ng beteranong aktor na si Ronaldo Valdez.
Katulad ng marami, ikinagulat ni Yayo ang nangyari kay Ronaldo at hanggang ngayon ay hindi pa rin siya makapaniwalang wala na ang aktor.
Linggo, December 17, 2023, nang pumutok ang balitang sumakabilang buhay na si Ronaldo sa edad na 77.
Kinumpirma ng Quezon City Police District (QCPD) ang balita. Sa kasalukuyan ay patuloy pa rin ang imbestigasyon ng mga awtoridad para matukoy ang tunay na dahilan ng pagkamatay ng aktor.
Sa unang pahayag ay sinabi ni QCPD Criminal Investigation and Detection Unit na si Police Major DonDon Llapitan na may tama ng bala ang aktor nang ito'y matagpuan sa kanyang kuwarto.
Read: QCPD: Ronaldo Valdez found with gunshot wound
Read: Ronaldo Valdez's talent manager cries foul over unauthorized release of late actor's sensitive video
RONALDO'S PHONE CALL TO YAYO
Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Yayo nitong Martes, December 19, 2023, sa press conference ng Metro Manila Film Festival (MMFF) 2023 entry na Firefly, produced by GMA Pictures at GMA Public Affairs.
Read: Direk Zig Dulay at Cherry Pie Picache umaasa sa word of mouth para madagdagan ang sinehan ng Firefly
Kasama ni Yayo sa pelikula sina Alessandra de Rossi, Euwenn Mikaell, Ysabel Ortega, Miguel Tanfelix, Max Collins, at Cherry Pie Picache.
Si Zig Dulay (Maria Clara at Ibarra, Paglipay) ang direktor ng Firefly.
Read: Direk Zig Dulay nanawagang unahing panoorin ang Firefly sa MMFF 2023
Sa panayam namin kay Yayo ay naikuwento nitong nagkausap pa sila ni Ronaldo ilang linggo bago ito pumanaw.
"Alam mo, sa totoo lang, parang a month ago, kausap ko pa siya sa telephone," pagbabalik-tanaw ni Yayo.
Hindi raw nasagot ni Yayo ang unang tawag ni Ronaldo.
Nagtaka raw si Yayo kung bakit siya tinawagan ng aktor at naisip niya pang baka na-hack o may ibang gumamit ng telepono nito.
"Tinanong ko pa yung isang best friend ni Melissa [Gibbs, anak ni Ronaldo] na kaibigan ko rin kung talagang si Tito Ron [yung tumawag]," kuwento ni Yayo.
Gusto raw siyang makausap ni Ronaldo dahil may hinahanap itong tao na makakatulong para sa klase ng gamot na hinahanap niya.
Sabi ni Yayo, "He wanted to talk to me kasi may hihingin siyang isang contact number na parang, something about his health, na parang he wanted to... he was searching for something."
Dagdag ni Yayo, "So, nagkausap pa kami, tapos tuwang-tuwa ako kasi fan ako ni Tito Ron."
IN GOOD SPIRITS DESPITE HEALTH STRUGGLES
Wala naman daw napansin na kakaiba si Yayo sa tinig ng magaling na aktor nung magkausap sila.
Pero naikuwento ni Ronaldo na may iniinda siya sa kanyang kalusugan.
"Mataas yung spirits niya talaga," sabi ni Yayo.
"Sabi niya sa akin, 'Kailangan ko lang talaga maghanap nitong...' parang may hinahanap siyang treatment or gamot.
"Sabi niya, 'Kasi alam mo, hirap na ako lumakad.' Yun lang sinabi niya.
"Sabi ko, 'Wala naman sa hitsura.'
"Sabi niya, 'Hindi, medyo hirap na ako lumakad.'
"Sabi ko, 'Huwag ka mag-alala bibigay ko sa yo yang number na yan para ma-contact mo.'
"So, yun lang. Tapos ang saya-saya niya pa.
"Alam mo yun, nakakadurog ng puso, pero he's in his best place now."
Isang malaking karangalan para kay Yayo na nakatrabaho niya si Ronaldo sa ilang proyekto kung saan nasaksihan niya kung gaano ito kahusay bilang aktor.
Pero ang pinakatumatak daw kay Yayo ay ang personality ng yumaong aktor na "masayahin," "sobrang chill," at "tawa lang nang tawa."
Dagdag ni Yayo na bakas ang kalungkutan sa tinig, "Napakabait niya kasi kasama, nakakagiliw. So it really breaks my heart."