PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Bianca Manalo travels to Japan amid controversy with Rob Gomez

Bianca Manalo seems unbothered by issue involving her.
by Khryzztine Joy Baylon
Published Dec 21, 2023
Bianca Manalo travels to Japan amid controversy with Rob Gomez
Despite being involved in a controversy, beauty queen-actress Bianca Manalo seems like an unbothered queen while enjoying her vacation with family in Tokyo, Japan.
PHOTO/S: Bianca Manalo Instagram

Viral na usap-usapan ngayon sa social media ang pagbabakasyon ng Kapuso beauty queen-actress na si Bianca Manalo sa Tokyo, Japan, kasama ang kanyang pamilya.

Ito ay sa gitna ng pagkakadawit ng kanyang pangalan sa isyung pangangaliwa ng ator na si Rob Gomez, co-star niya sa GMA-7 defunct afternoon drama series na Magandang Dilag.

Noong Martes, December 19, 2023, pinagpiyestahan sa social media ang screenshots ng mga pribadong mensahe umano ni Bianca kay Rob na in-upload sa mismong Instagram account ng Kapuso actor.

Read: Pagkalat ng private convo ni Rob Gomez kina Herlene Budol at Bianca Manalo, ibinibintang kay Shaila Rebortera

Sa screenshot, mababasa ang umano'y lihim na pagkikita ng dalawa kahit na sila'y parehas may mga karelasyon.

Nobyo ni Bianca si Senator Win Gatchalian, habang si Rob naman ay partner noon ang beauty queen ding si Shaila Rebortera.

Read: Bianca Manalo, nilinaw na hindi pa sila engaged ni Senator Sherwin Gatchalian

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Sa gitna ng isyu, mukhang hindi naman nagpatinag si Bianca nang mag-post ito sa kanyang Instagram Stories nitong Huwebes, December 21.

Kasama ang kanyang ina at iba pang kapamilya, all smiles si Bianca habang nakasakay sa eroplano hanggang sa makarating sila sa Tokyo, Japan.

Bianca Manalo travels to Japan amid controversy with Rob Gomez

Bianca Manalo travels to Japan amid controversy with Rob Gomez

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Bianca Manalo travels to Japan amid controversy with Rob Gomez

Walang ibang inilagay na description si Bianca sa kanilang recent trip, maliban sa location kung sana sila naroroon.

Bianca Manalo travels to Japan amid controversy with Rob Gomez

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Bianca Manalo travels to Japan amid controversy with Rob Gomez

Bukod kay Bianca, dawit din ang pangalan ng Magandang Dilag co-star nilang si Herlene Budol, na inaakusahang may lihim ding ugnayan kay Rob base sa screenshots na inilabas ng dating partner ng aktor na si Shaila.

Read: Herlene Budol reacts to alleged private convo with Rob Gomez

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Kinumpirma ni Rob na si Shaila ang nag-upload ng screenshots sa kanyang Instagram page nang walang pahintulot.

Miyerkules ng gabi, Disyembre 20, nagpadala ng opisyal na pahayag si Rob sa Philippine Entertainment Portal (PEP) kaugnay ng unauthorized posts.

Ani Rob, walang pahintulot na kinuha at ginamit ni Shaila ang kanyang cellphone at diumano'y nagpanggap bilang siya ang ina ng kanyang anak.

Pahayag ni Rob tungkol dito: “Please be advised that my phone was taken and used it without my consent on December 20, 2023 from 12:30 a.m. to 4 p.m.

“Worse is that the person who took my phone posted pictures of mine in my own social media account pretending that I posted it with the intention of destroying my reputation.

“The videos as shown were among my friends and co-stars who was trying to cheer me up when I was going through a lot of hurdles in my life."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Read: Rob Gomez issues statement over unauthorized postings on his Instagram account

Lumaki na ang hidwaan sa pagitan nina Rob at Shaila nang mag-umpisa nang sabihin ng aktor sa guesting nito sa Fast Talk with Boy Abunda noong Agosto 3, 2023, na single siya.

Lumalabas na hindi nagustuhan ni Shaila ang salitang binitiwan ni Rob sa national television dahil nagsasama na sila noon at may isa nang anak.

Read: Tatlong beauty queens idinawit sa kontrobersiya nina Rob Gomez at Shaila Rebortera

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Despite being involved in a controversy, beauty queen-actress Bianca Manalo seems like an unbothered queen while enjoying her vacation with family in Tokyo, Japan.
PHOTO/S: Bianca Manalo Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results