Walang boyfriend sa ngayon ang Vivamax actress na si Robb Guinto.
READ: Robb Guinto admits using plaster for intimate scenes in Araro
Dalawang taon na raw ang nakakaraan mula noong siya ay makipagrelasyon sa isang Koreano.
Saan niya nakilala iyong Koreano?
“Common friends lang po,” sagot sa amin ni Robb.
Walang nanliligaw sa kanya ngayon?
“Meron naman po, pero ayoko muna talaga po mag-entertain.”
Artista?
“Hindi po, non-showbiz.”
Naligawan na ba siya ng dirty old man o DOM?
“Ay, opo! Naligawan na po ako,” bulalas ni Robb.
“Kasi po siyempre lumaki ako sa social media, e. So madami din talaga akong indecent proposals na natatanggap.”
Ano o magkano ang pinakamalaking in-offer sa kanya?
“Bahay at lupa,” ang tumatawang rebelasyon ni Robb.
Hindi niya kilala ang naturang lalaki.
“Hindi po, nag-DM [Instagram direct message] lang po.”
Hindi raw niya sineseryoso ang mga ganitong alok.
“Hindi naman po, hindi ko po sila sinasagot, at saka baka maging iba pa yung dating pag once na ni-reply-an ko, baka isipin pa na mukha akong pera,” at muling natawa ang Vivamax actress.
Wala naman daw siyang tinarayan sa mga ito.
“Wala naman po, pag ano na lang siguro, pag sobra na, iba-block ko po, para siyempre hindi na rin kami magka-ano ng conversation,” paglinaw niya.
Pero aminin natin, tempting ang bahay at lupa. So, ano muna ang inisip ni Robb pagkatanggap ng naturang indecent proposal?
“Wala, kasi ang akin naman po kasi, makukuha ko din naman yun someday, basta mag… talagang magtiyaga at magpupursige ako sa ginagawa ko,” lahad niya.
ROBB EXPLAINS ORIGIN OF HER SCREEN NAME
Inungkat naman namin kay Robb ang tungkol sa kanyang screen name na tunog lalaki.
Bakit nga ba hindi binago screen name niya? Ano ba totoong pangalan niya?
Saad niya, “Robilyn po, parang pinaiksi po.”
Bakit hindi na lang iyun ang ginamit niya?
Lahad ni Robb, “Masyado pong mahaba, e. Parang mas gusto ko din po, para parang misteryosa.
“Mas gusto ko po yun na pag once akala nila lalake, tapos makita nila babae pala.”
Totoong apelyido niya ang Guinto.
Tinanong namin si Robb kung sino ang idolo niyang aktres?
“Si Ms. Jaclyn Jose po.”
ROBB DOESN'T MIND PLAYING SUPPORTING ROLES
Sa Araro ng Vivamax ay gumaganap si Robb bilang support sa bidang si Micaela Raz, at ayon sa kanya ay wala namang problema ang ganitong billing.
“Opo, sa akin naman po kahit ano naman pong role ang ibigay sa akin, para din siyempre malaman ko yung iba’t ibang character na mapu-portray ko.”
Maraming beses na rin siyang nagbida sa pelikula.
“Showroom, Ex-Deal, yung Afam… medyo madami na din naman po,” pakli ni Robb.
Nagsimula naman daw siya sa supporting roles.
Okay lang ba sa kanya na bumalik sa pagiging support?
“Wala naman pong problema sa akin yun. As long as may project, go lang ako.”
Walang ring problema kay Robb na una sa billing si Micaela sa Araro.
“Opo, friend ko din naman po si Mika, close friend ko po si Mica.”
Samantala, ang iba pang mga kasama ni Robb sa four-part Vivamax series na Araro ay sina Matthew Francisco, Arah Alonzo, Dyessa Garcia, Jenn Rosa, Caira Lee, Vino Gonzales, Raffy Tejada at Ronnie Lazaro.
Ito ay sa direksyon ni Topel Lee.
Unang beses na naging direktor ni Robb si Topel.
Kumusta katrabaho ang nabanggit na direktor?
Pakli niya, “Sa una, kinabahan po ako, siyempre si Direk Topel Lee iyan, e. So mas inintindi ko din yung character ko, kung paano ko siya ipo-portray. Binasa ko rin nang paulit-ulit yung script namin.”
Tinulungan din raw siya ni Topel sa mga eksena.
“Yes po, tinutulungan naman niya po ako pagdating sa eksena, pag once na may mga hindi po ako nagagawa, nagtatanong naman po ako kay direk,” dagdag niya.
Samantala, tulad ng halos lahat ng artista ay pangarap ni Robb na magkaroon ng acting award balang araw.
“Oo naman po, pero mahaba pa po ang ano ko, ang lalakbayin ko,” pag-amin niya.
Wala ka bang ginagawa ngayon na ikaw ang bida?
“Meron po, yung Sugar Baby, tapos na din po yun.”
Sino gaganap na sugar daddy niya sa pelikula?
“Si Direk Jeffrey Hidalgo po.”
ROBB ADMITS PREFERENCE FOR OLDER GUYS
Nagkaroon na raw si Robb ng karelasyon na mas matanda sa kanya.
“Yung ex ko po, mga 12 years po ang age gap.”
Aminado si Robb na mas gusto niya ang karelasyon na mas may edad sa kanya.
“Opo, kasi kumbaga dun ako mas matututo, e.”
ROBB PROUD OF BEING HER FAMILY'S BREADWINNER
Breadwinner ng kanilang pamilya si Robb.
“Nagsusustento po ako, ano naman po, nagbibigay po ako sa kapatid ko.”
Ilan ba sila?
“Lima po kami lahat, dalawa sa nanay, dalawa sa tatay.”
Pang-ilan si Robb?
“Sa nanay pangalawa po ako, nag-iisa po akong babae, then sa father side po panganay po ako.”
Sino ang sinusuportahan niya?
“Dun po sa father side, kasi maliliit pa po yung mga kapatid ko dun.”
Pinag-aaral ni Robb ang mga nakababata niyang kapatid.
Paano ang treatment sa kanya ng pamilya niya na isa siyang Vivamax star? Proud ba ang mga magulang ni Robb sa kanya?
“Opo, kasi sa family ko naman po sobrang supportive naman po sila sa lahat ng mga desisyon ko.”
Alam nila na sexy movies ang ginagawa niya.
Tumatawang sinabi ni Robb, “Yes po, alam po nila, actually nanonood po sila!”
Maging ang ama niya ay nanonood rin ng mga Vivamax films niya.
“Si Papa po nanonood din.”
Ano ang sinasabi nito kapag nakikita ang mga sexy scenes niya?
“Wala, hindi po kasi pala-react yung father ko, e.
“Si Madir… ayun natutuwa siya sa nangyayari sa akin ngayon, kasi sabi niya natutupad ko na yung pangarap ko, at nakukuha ko na din yung mga gusto ko.”
