Isa sa mga main cast members ng foreign film na King of Hawkers ang Kapuso male star na si Kimson Tan.
Lahad ni Kimson kung paano siya nakuha para doon, “I auditioned, with the help of Ms. Joy Marcelo, Ms. Gigi Lana Santiago.”
Ang international production na Kelvin Sng Productions ang producer ng pelikula.
“I play a role of grandson, third generation of… apo ng may-ari ng stall.”
Isang Singaporean ang papel dito ni Kimson na fluent sa Chinese. Nagkataon namang sa tunay na buhay ay bihasa si Kimson sa naturang language.
READ: Sparkle artist Kimson Tan bida sa Singaporean movie, King of Hawkers
Bida si Kimson sa pelikula. Saan ito ipapalabas?
Sabi niya, “I think as I heard from the prod, I think it’s Hongkong, Malaysia, Singapore, US, Canada, they’ll try to penetrate China market, in the Philippines, of course.”
Ano ang pakiramdam na maging bahagi ng isang foreign film at bida pa siya?
“Sabi ko nga po sobrang blessed ko po,” bulalas ni Kimson.
“Sobrang blessed ko po sa management team ko po, sobra po, sobrang tiwala po yung binigay nila sa akin, si Nanay Joey [Abacan ng GMA], nanay-nanayan ko po iyan, pag nagkakamali ako sinasabihan niya ako.
“Pag may ginagawa akong tama ina-acknowledge niya,”
Bukod kay Joey ay masuwerte raw si Kimson sa pagkakaroon ng management team na hindi siya pinababayaan.
Pagpapatuloy pa ni Kimson, “Sobrang thankful ko kasi lagi po silang nandiyan sa akin, never silang nagkulang sa pagbibigay ng advice, pagbibigay ng words of wisdom when I needed them the most, kumbaga laging happy, blessed.”
Siya lang ba ang nag-audition para sa pelikula na taga-GMA?
“I think yes, ako lang po.”
Natapos si Kimson sa shoot ng pelikula noong October 28.
“It’s showing next year, February, Chinese New Year.”
KIMSON BUSY WITH OTHER ACTING PROJECTS
Si Kimson ay isa sa mga cast members ng Lovers/Liars ng GMA-7 na pinagbibidahan ni Claudine Barretto.
Kasama rin siya sa 24/7 na sitcom ni Vic Sotto.
Isa sa mga hunk male stars ng GMA si Kimson at nakakagulat na hindi siya tambay sa gym pero napapanatili niya ang kanyang magandang pangangatawan.
Lahad niya, “I don’t go to the gym, but I maintain my body by doing cardio workouts and HIIT [high-intensity interval training] workout and self-body weight.
“Hindi kasi ako going bulk, e. I’m going lean, para maugat, yung ganun, iyon yung body goal ko.”
May mga intimate scenes sila ni Lianne Valentin sa Lovers/Liars.
“Not so intimate,” paglinaw niya.
Hindi na bago ito kay Kimson na nakagawa na rin ng mga ganitong eksena sa nakaraan, kina Beauty Gonzalez at Mika Reins sa Mano Po: The Flower Sisters ng GMA na umere noong Oktubre 2022.
“Kissing scene pa lang, so I think this is the first time,” pagtukoy niya sa Lovers/Liars.
Hindi ba siya nainggit kay Yasser Marta na love interest ni Claudine sa naturang GMA series?
Na kung dati ay si Beauty, dapat ngayon ay si Claudine ang “karelasyon” niya?
“Actually, kung ano lang po… kumbaga ako po, kung ano ang ibigay ng prod, kung may babaguhin sila, ako I’m really open for whatever challenge na mahaharap po namin in taping this one,” pakli ni Kimson.
Loveless si Kimson ngayon.
“Yes, I am.”
Same management sila ni Ricci Rivero ang Virtual Playground.
Close ba sila ng basketball player/actor?
“We’re okay, hindi kami sobrang close pero we know each other naman po.”
Kung makulay ang lovelife ni Ricci, paano napapanatili ni Kimson na tahimik ang lovelife niya?
“Kasi po ngayon, sa totoo lang po, sobrang dami kong ginagawa din, kumbaga thankful din ako sa GMA, kaya ako kumbaga focus lang talaga sa work, and if the right one comes then why not, di ba?
“Pero sa ngayon po, sa totoo lang po, ang focus ko po talaga is work.”
Hindi kaya sila ni Lianne ang magkatuluyan bilang pareho yata silang walang karelasyon?
“Kami po ni Lianne sobrang close po, parati lang po kaming nagbabardagulan.”
KIMSON STARSTRUCK OVER BEAUTY GONZALEZ
Wala rin daw dine-date si Kimson sa ngayon.
“Wala po, I don’t see anyone right now.”
Pero may crush naman siya.
Pag-amin niya, “Before it’s Gabbi Garcia, ngayon po nung naka-work ko si Ate Beauty, sobrang na-starstruck po ako.
“Unang day po namin ni Ate Beauty… unang eksena po namin magkaharap po kami, starstruck po talaga ako.
“Sobrang bait po niya, sobrang maalaga. Kumbaga si Ate Beauty chill-chill lang, kuwentuhan,” ang nakangiting sinabi pa ni Kimson na gumaganap bilang Kelvin Chong sa Lovers/Liars.
Bida rito si Claudine bilang Via Laurente sa Lovers/Liars at nasa cast rin sina Lianne bilang Hannah Salalac; Shaira Diaz bilang Nika Aquino, Christian Vasquez bilang Victor Tamayo; Michelle Vito bilang Andrea Segreto at Yasser Marta bilang Caloy.
Sa direksyon ni Crisanto Aquino, napapanood ito sa GMA Telebabad at sa mga nasa abroad, sa GMA Pinoy TV.
