PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Pokwang Malia Lee OBrian bonding

Pokwang to her bashers: "Iyak na kayo!"
by Arniel C. Serato
Published Dec 26, 2023
Pokwang answers bashers again
Pokwang (left) reacts to comment saying that daughter Malia O'Brian "didn't take after her mom even a bit in her physical appearance" and looks like her ex-partner Lee O'Brian (right): "So ano ngayon? Ako ang bumuhay dyan gaga!"
PHOTO/S: Courtesy: Instagram

Nagkaroon muli ng oras si Pokwang sagutin ang kanyang bashers sa social media.

Mula sa lumang post ng ex-partner na si Lee O'Brian tungkol sa bonding nila ng anak na si Malia O'Brian, noong nakaraang November 27, 2023, nagbasa ng mga komento ang komedyante.

At ilan sa mga ito ay sinagot niya noong nakaraang linggo lamang.

Isa sa nabasa ni Pokwang ay ang komento ng isang netizen na wala raw minana si Malia sa hitsura ng komedyana, puro kay Lee raw nakuha ng bata ang ganda nito.

Sabi ng netizen, "She didnt take after her mom even a bit in her physical appearance.. she looks very much like you"

Hindi ito pinalampas ni Pokwang. Binalikan niya ito at sinabihang semilya lamang ang tanging puhunan ni Lee sa kanilang anak.

Tugon ni Pokwang [published as is]: "so ano ngayon? ako ang bumuhay dyan gaga! yang ama semilya lang sabihin ko kaya sayo yan? na nag nanay mo ay walang silbi semilya ka lang ng tatay mo kaya dapat magpasalamat sya!"

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Pokwang answers basher

Sabi naman ng isa pang netizen, "Ng dahil sa daddy May anak ka"

Buwelta uli ni Pokwang [published as is]: "yan ang pinaka BOBONG OOINYON TANGA! magpasalamat? saan? na ako bumuhay lahat? GAGA KA? iyak na kayo mga tangahanga nyan bwahahahahaha lapit na!!!!"

Pokwang answers basher

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Sinabihan naman ng isang netizen ang ilang nagkokomento na tigilan na ang negatibong posts.

Hiling din ng netizen kay Lee na pagsabihan ang followers nitong huwag sabihan ng mga pangit na salita si Pokwang.

"Stop being negative buti nga pumayag na si @itspokwang27 wag nyo ng sulsulan pa yung mag ex ok na yan na civil at tahimik silang 2 lalo na si pokwang. Hayaan nating kahit bigyan ng chance na makapag bonding lee and malia. Wag nyong sirain yung moment. And to @leeobrian can you restrain the negative comments about your ex . So she can feel a little better"

Maiksing sagot ni Pokwang: "ay NO gusto nya yan! Haahaahaha"

Pokwang answers basher

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Natuwa naman ang isang netizen na naipahiram ni Pokwang kay Lee si Malia.

Aniya, "I'm glad that Pokwang allowed you to meet Malia. After the nasty word for you."

Ayon kay Pokwang, tila ito na ang huli nilang bonding.

Sabi pa ng komedyante: "last na nila tan bwahahahahhaa party paaarrttyy!!! iyak na kayo!"

Pokwang answers basher

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

At mukha ngang nagkatotoo ang sinabi ni Pokwang dahil ipinag-utos na ng Bureau of Immigration (BI) ang deportasyon ni Lee pabalik ng Amerika.

Read: Pokwang wins deportation case vs. Lee O’Brian: “Justice served”

HOT STORIES

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Pokwang (left) reacts to comment saying that daughter Malia O'Brian "didn't take after her mom even a bit in her physical appearance" and looks like her ex-partner Lee O'Brian (right): "So ano ngayon? Ako ang bumuhay dyan gaga!"
PHOTO/S: Courtesy: Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results