Masaya ang Instagram followers ni Lee O’Brian dahil muli nitong nakapiling ang anak na si Malia O’Brian mula sa estranged partner nitong si Pokwang.
Sabi ni Lee sa kanyang Instagram post kahapon, November 28, 2023, “Had a blast this weekend with you , my dear @malia_obrian . Love you sweetie!!”
View this post on Instagram
Natuwa ang maraming kaibigan ni Lee na makita itong kasama ang anak kay Pokwang.

Pero may mga naligaw na netizens na binash si Pokwang.
Mukhang nakasubaybay rin si Pokwang sa account ni Lee kahit hindi na siya naka-follow rito.
Ang isa ngang netizen ay tinawag pang “chakading” o pangit ang Kapuso comedienne.
Komento ng basher, “Napagod ba makipaglaban ung ex mong chakading [laughing emojis]”
Hindi naman nagpatinag sa kanya ang TiktoClock host. Binuweltahan niya ito at tinawag pang “demonyo.”
Rebelasyon pa ni Pokwang, may isasampa siyang reklamo na may kaugnayan sa violence against women and children (VAWC) laban sa mga bashers.
Buong litanya ni Pokwang, “hoy DEMONYONG TROLL! bago mo ako tawaging chaka ipakita mo muna mukha mo wag ka magtago sa paro-paro GAGO! Dibpa tapos ang laban may VAWC pa akong isasampa hanggat di kayo tumitigil na mga HAYOP!”

Ilang buwan na ring hindi sumasagot ng bashers si Pokwang kaugnay sa ex-partner.
Isa sa mga ito ay noong August 2023 kung saan sinabihan siya ng basher na tila nagpapapansin ito kay Lee at umaasang balikan siya nito.
Komento ng basher, “Panay ang post mo, para ke Lee na pansinin ka. Ang kano basta iniwan ka di na babalik yan”
Hindi na naman nakapagpigil si Pokwang at malutong na mura ang buwelta niya.
Tugon ni Pokwang, “ul*l! saksak mo sa pwet mo yang batugan nayan gago!!!!”
Read: Pokwang scolds basher for “para ke Lee na pansinin ka” comment
Sinubaybayan naman ngayon ang magiging desisyon ng Bureau of Immigration (BI) sa inihain ni Pokwang na deportation complaint at cancellation of visa laban kay Lee noong June 13, 2023.
Read: Pokwang files deportation complaint, visa cancellation vs ex-partner Lee O’Brian
Naghain naman ng kanyang counter-affidavit ang American actor sa Bureau of Immigration kaugnay ng deportation complaint ni Pokwang noong June 26, 2023.
Read: Lee O’Brian files counter-affidavit in deportation complaint by Pokwang
