PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Ryan Bang's Christmas with Girlfriend's Family

Ryan: "God has been so kind."
by Khryzztine Joy Baylon
Published Dec 27, 2023
Ryan Bang spends Christmas with non-showbiz girlfriend
Ryan Bang (leftmost) on celebrating Christmas with girlfriend Paola Grace Huyong's family: "God has been so kind...Best Christmas for me!"
PHOTO/S: Ryan Bang Instagram

"Best Christmas for me!"

Ganito ilarawan ng TV host-comedian na si Ryan Bang ang kanyang Pasko, matapos niyang i-celebrate ito kasama ang non-showbiz girlfriend na si Paola Grace Huyong at pamilya nito.

Read: Meet Paola Grace Huyong: Ryan Bang’s non-showbiz girlfriend

Sa Instagram nitong Martes, December 26, 2023, ibinida ni Ryan ang litrato nila ng pamilya ni Paola.

Matchy-matchy pa ang checkered green and white polo shirts ng couple, habang ang ibang kapamilya ng nobya ay nakasuot ng damit na meron ding shades of green.

Sa isa pang litrato, makikita naman sina Ryan at Paola kasama ang mga magulang ng It's Showtime host. Kuha ito sa South Korea, kung saan nakabase ang pamilya ni Ryan.

Mababasa sa caption ni Ryan (published as is), "God has been so kind.

"Thank you, Lord, for answered prayers [praying hand sign emoji].

"Best Christmas for me! Merry Christmas everyone."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Sa comments section ng post ay bumuhos ang pagbati mula sa kanyang It's Showtime co-hosts.

Komento ng nanay-nanayan ni Ryan na si Vice Ganda, "Im crying! So happy for u baby!"

Saad naman ni Amy Perez, "Awww, so happy for you, dear @ryanbang Merry Christmas to you and @pao.huyong."

Red heart emojis ang iniwang komento nina Vhong Navarro, Ogie Alcasid, Jugs Jugueta, at Jhong Hilario.

Laman din ng sunud-sunod na Instagram Stories ni Ryan ang masayang selebrasyon niya ng Pasko kasama ang pamilya ni Paola.

Ryan Bang spends Christmas with non-showbiz girlfriend

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Ryan Bang spends Christmas with non-showbiz girlfriend

Ryan Bang spends Christmas with non-showbiz girlfriend

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

RYAN INTRODUCES GIRLFRIEND

Noong August 29, inanunsiyo ni Ryan sa It's Showtime ang "in a relationship" status niya matapos ang ilang taong pagiging single.

Pagmamalaki niya, “Gusto kong sabihin sa aking Showtime family, sa harap ninyo, Mommy, Daddy, kay kuya ko, ate ko, T'yang, may girlfriend na ako.”

Read: Ryan Bang reveals relationship status: “May girlfriend na ako.”

Tuwang-tuwa ang lahat sa anunsiyo ni Ryan.

Ibinuking pa ni Vice na naiyak ang Korean TV host-comedian nang ibalita sa kanya ang tungkol sa natagpuang pag-ibig.

Aniya, “Ang saya-saya. Alam mo kahapon, ang sama-sama ng pakiramdam ko tapos nag-text siya sa akin, ang saya-saya niya.

“Sabi niya, ‘Mommy, ikaw una kong sasabihan.’ Tapos tinawagan ko siya, umiiyak siya.”

Nagpasalamat si Ryan sa suporta at words of encouragement na ibinigay ng co-hosts.

"Sobra kong saya kasi ang tagal kong naging single tapos ngayon, may girlfriend na ako.

"Thank you so much sa support niyo sa pag-ibig ko."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Read: Yeng Constantino, Ryan Bang put closure to their "love story"

Nitong October 2023, kasama sa Hong Kong trip ng It's Showtime hosts ang nobya ni Ryan.

Read: ‘It’s Showtime’ hosts bond in Hong Kong amid show's suspension

Noong November 9, nagkuwento si Ryan na nakilala niya si Paola nang minsan ay manood siya ng football.

Noong mga panahong iyon ay hindi niya raw inaasahang diringgin ng Diyos ang matagal na niyang hiling na makatagpo ng isang babaeng iibigin, at ito'y sa katauhan ni Paola, na tinawag din niyang "the one."

Read: Ryan Bang recounts how he met girlfriend Paola Grace Huyong

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Ryan Bang (leftmost) on celebrating Christmas with girlfriend Paola Grace Huyong's family: "God has been so kind...Best Christmas for me!"
PHOTO/S: Ryan Bang Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results