Trending na usap-usapan ngayon sa social media ang It's Showtime host na si Ryan Bang matapos ang successful hosting stint niya sa red carpet ng Asia Artist Awards (AAA) 2023.
Read: PEP.ph's Survival Guide to Asia Artist Awards 2023
Kasalukuyang ginaganap ngayong Huwebes, December 14, 2023, ang AAA 2023 sa Philippine Arena sa Bulacan.
Bago ang inaabangang performances ng mga K-pop at P-pop star sa awarding ceremony ay naglakad muna sa red carpet ang mga guests. Si Ryan ang nag-welcome sa K-celebs doon.
Read: All the K-Celebs on Asia Artist Awards 2023 red carpet
Sa X (dating Twitter) mabilis na nag-viral ang pangalan ni Ryan dahil sa kabi-kabilang mga papuring natatanggap niya bilang host.

Maraming netizens ang naaliw sa gawi ng kanyang paghu-host, lalo na sa mga side comments niya sa mga rumarampa sa red carpet.
RYAN'S FUNNY SIDE COMMENTS
Ayon sa mga netizen, kusang lumabas ang sense of humor at pagka-pusong Pinoy ni Ryan nang dahil sa mga binitawan niyang nakakaaliw na komento sa paghu-host sa South Korean award show.
Read: Filipino celebrities on the red carpet of Asia Artist Awards 2023
Kabilang na sa kinaaliwan ng netizen ay ang pasimpleng pag-imbita ni Ryan sa K-pop boy group na Stray Kids na mag-guest sa Kapamilya noontime show na It's Showtime.
Sabi ni Ryan sa Stray Kids: "Sana mag-guest kayo sa Showtime."
Maging ang K-pop boy group na The Boyz ay hindi rin pinaligtas ni Ryan nang sabihan niya ang mga ito na mababait, matapos siyang sundin ng mga ito sa pagpo-pose.
Ryan to The Boyz: "Heart pose please. Thank you, ang babait ninyo."
Napansin din ni Ryan ang suot ng Japanese girl group na Sakurazaka46 na animo'y school uniform daw.
Ryan to Sakurazaka46: "Parang may pasok pa sila."
Hindi rin napigilang mag-fanboy ni Ryan sa iniidolo niyang K-pop girl group na NewJeans.
Matapos rumampa sa red carpet ng mga ito ay hindi napigilan ni Ryan na sabihing, "Once again Madlang People, New Jeans. Hay sobrang saya ko."
Sa muling pagbabalik Pilipinas naman ng South Korean actor na si Kim Seon Ho malapitan na siyang nakita ni Ryan, dahilan para siya ay ma-starstruck.
Sabi ni Rryan kay Kim Seon Ho: "Sobrang gwapo, grabe.
"Hand heart, wave heart, lahat ng heart na gusto mo take your time, basta ikaw Kim Seon Ho."
Present din sa AAA 2023, ang Pinoy folk band na Ben&Ben.
Hirit ni Ryan sa Ben&Ben: "Kapag kayo sumikat sa Korea, kunin niyo akong intrepreter."
Isa pa sa mga Pinoy talents na present sa AAA 2023 ay ang Kapamilya TV host-comedian na si Melai Cantiveros na hindi rin nakatakas sa pang-aalaska ni Ryan.
Sabi ni Ryan kay Melai: "Tumingin ka sa harap huwag sa akin.
"Ipapalabas yan sa Korea kaya ayusin mo ang mga pose mo.
"Bakit kay Melai konti lang pini-picturan ng mga press ng Korea?"
Read: Kathryn Bernardo, Daniel Padilla, Melai Cantiveros to attend Asia Artist Awards 2023
NETIZENS REACT ON RYAN'S HOSTING STINT
Bukod sa nakakaaliw na side comments, ipinamalas din ni Ryan ang galing niya sa pagsasalita ng apat na iba't ibang lengguwahe—Korean, English, Filipino, at Japanese habang wine-welcome ang mga artist.
Read: Ryan Bang declines acting, hosting offers from Korean label SM Entertainment
Tweet ng isang netizen (published as is), "Ryan Bang's hosting skill is SUPBERB!! The way how he change's his language from English, Tagalog and Korean with a kick of his Comedian Side.."
Saad ng isa, "Tuwang tuwa ako sa way of hosting ni ryan kase very filipino, nilalaro lahat HAHAHA i’m just nervous when he does it for the japanese groups & artists because the jokes he makes might get lost in translation."
Sabi pa ng isa, "The way Ryan Bang nailed this hosting caught me off guard. Multi-lingual yarn? hehe. Deserve marecognize!"
Read: K-pop stars to invade the Philippines for Asia Artist Awards 2023
"People amazed by AAA Red Carpet MC for being an multilingual, because he used korean, tagalog, japanese and they said his pronunciation is so good. He's name is ryan bang he's a korean but living here in the philippines, known as tv show host/comedian/actor," dagdag pa ng isa.
Read: SB19 boys look dashing in Francis Libiran suits, Bvlgari jewelry for Asia Artist Awards 2023
