Ikinasal na si Angelica Panganiban sa kanyang longtime fiancé na si Gregg Homan.
Ito ang inanunsiyo ng aktres sa kanyang Instagram ngayong unang araw ng Bagong Taon, January 1, 2024.
Base sa kanyang post, ikinasal sila kahapon, huling araw ng taong 2023, o December 31, 2023 (12-31-23).
Sabi ni Angelica sa kanyang post: "123123 Patuloy na mananalig at maniniwala sa pag-ibig. Sa kabila ng lahat. Ang pagmamahal pa rin ang kakapitan.
"Maligayang bagong taon - Mrs Angelica Panganiban Homan [heart emoji]"
Sa comments section ay bumuhos ang maraming congratulatory messages mula sa celebrities na kaibigan ni Angelica.



Sina Angelica at Gregg ay may isang anak na babae, si Amila Sabine Homan.
Na-engage ang dalawa noong May 2023.
Read: Angelica Panganiban at Gregg Homan, five months nang engaged
