PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Derrick Monasterio on gay rumor

Derrick Monasterio: "Hindi okay pag gagamitin mo pang-asar ang pagiging bakla."
by Arniel C. Serato
Published Jan 3, 2024
Derrick Monasterio, Elle Villanueva on live-in issue
Elle Villanueva and boyfriend Derrick Monasterio answer live-in issue on Fast Talk With Boy Abunda.
PHOTO/S: Courtesy: Fast Talk with Boy Abunda

Tinuldukan na ni Derrick Monasterio ang mga usap-usapan tungkol sa kanyang sexual orientation.

Sa episode ng Fast Talk With Boy Abunda kahapon, Jaunary 2, 2024, diretsahang tinanong ni Boy Abunda si Derrick tungkol sa hindi mamatay-matay na isyung “gay” umano siya.

Pasakalye ng beteranong TV host, “Ang tagal na tagal na panahon, this is just lingering speculation that Derrick Monasterio is gay.

“First, I'd like to be able to ask you this. I mean, in the context of malinis lamang itong speculation.

“Because there's nothing wrong about being gay. There's nothing wrong about being gay.

“There's nothing wrong about being straight or a woman or a man. We're all human beings.

“Yes or no, are you gay?”

Mabilis na tugon ni Derrick, “No.”

Dagdag pa niya, hindi siya apektado sa mga isyung ibinabato sa kanya pagdating sa kanyang kasarian.

Aniya, “Mas naba-bother ako sa fact na bakit nila ginagamit na pang-asar ang pagiging bakla. E, wala namang masama doon.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"Parang siguro, kailangan mas maging open-minded na mga tao ngayon, Tito Boy, na piliin na nila.

"Walang... hindi masama, hindi okay pag gagamitin mo pang-asar ang pagiging bakla, pagiging mataba, pagiging pangit.

"Kasi, there's no such thing. Illusion lang yan ng tao.”

Read: Derrick Monasterio, Elle Villanueva now officially a couple: "Siguro mga three months ago."

Hindi naman daw apektado sa mga espekulasyon ang girlfriend niyang si Elle Villanueva.

Pahayag niya, "Alam mo, Tito Boy, ang funny nga, kasi naririnig ko na po yan, e.

"So, noong first project pa lang namin, inisip ko, 'Gay ba talaga siya?' Kasi yun ang sinasabi ng tao.

"And then I realized, lumaki lang siya sa industry na ang kasama puro gays. So, nasanay lang siya sa pananalita niya, sa actions niya na ganun.

“And then, there comes a time na parang, only child po kasi ako. So, strict, strict ang mommy ko.

"So, para payagan ako na kasama si Derrick, sinabi ko kay Mommy, 'Mommy, bakla siya. You don't have to worry.'

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"Sorry, Mommy, if you're watching. Pero ngayon alam na po niya.

"So, nagulat na lang po siya, ‘Ay, sinusundo si Elle sa Baguio, bakla? Paano nangyari yan?'”

Read: Derrick Monasterio reveals how girlfriend Elle Villanueva influenced him to take care of his finances

Pinabulaanan din ng dalawa na nagli-live in na sila. Pero inamin nilang may mga panahong nag-i-sleepover sila sa kani-kanilang bahay.

Saad ni Elle, "Nag-i-sleep po kami sa kanya-kanyang houses.

"Nag-sleepover po ako sa kanya. Nag-sleepover na din po siya sa amin.

"Pero, we're not living together."

Sabat ni Derrick, “Pero, I have plans..."

Tanong pa ni Boy, "To invite?"

Sagot ni Derrick, "No, to live with her in the future."

Magkasama sina Derrick at Elle sa upcoming GMA Afternoon Prime series na Makiling na mapapanood na simula January 8, 2024.

HOT STORIES

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Elle Villanueva and boyfriend Derrick Monasterio answer live-in issue on Fast Talk With Boy Abunda.
PHOTO/S: Courtesy: Fast Talk with Boy Abunda
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results