Malaman ang binitawang pahayag ng Kapuso actress na si Liezel Lopez tungkol sa kontrobersiyal na relasyon nila noon ni Kristoffer Martin.
Si Liezel ang tinukoy na third party at binansagang "mang-aagaw" dahil naging magkarelasyon sila ni Kristoffer matapos ang breakup ni Kristoffer sa noon ay longtime girlfriend na si AC Banzon.
Nakipag-break si Kristoffer sa nobya noong December 2020.
Pero makalipas ang anim na buwan, nag-break sina Liezel at Kristoffer at nagkabalikan ang aktor at si AC noong July 2021.
Naninindigan si Liezel na hindi siya nang-agaw at hindi siya naging third party.
Nausisa si Liezel tungkol sa controversial relationship nila ni Kristoffer sa guest appearance ng aktres sa Fast Talk With Boy Abunda nitong January 3, 2024.
Hiningan si Liezel ng reaksiyon kung totoo bang nang-agaw siya noon ng boyfriend at nagkaroon ng overlapping.
“Kung ako ang tatanungin, hindi po.
“Pero kung may natutunan po ako doon, siguro yung dapat, yung totoo sinasabi,” may patutsada niyang pahayag.
Dagdag ni Liezel, “Pero hindi ko na po kasi talaga kuwento iyon.
“Pero tungkol po doon sa tanong ninyo [kung nang-agaw ako], hindi po ang sagot ko.
“Kasi, unang-una po sa lahat, hindi po ako nang-aagaw ng asawa ng may asawa.”
At saka ibinaling ni Liezel ang usapan sa upcoming Kapuso teleserye niyang Asawa ng Asawa Ko kasama sina Jasmine Curtis-Smith at Rayver Cruz.
Sa naging pahayag ni Liezel, tila nais niyang tumbuking hindi nagsabi ng totoo sa kanya noon ang aktor nang maging magkarelasyon sila.
KRISTOFFER’S BREAKUP WITH AC AND RELATIONSHIP WITH LIEZEL
February 2021, eksklusibong nakapanayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si AC.
Dito niya kinumpirmang nakipaghiwalay sa kanya si Kristoffer isang araw matapos makabalik mula sa lock-in taping para sa teleseryeng Babawiin Ko Ang Lahat.
Sa teleserye, naging co-stars sina Kristoffer at Liezel at lumalabas na dito nabuo ang kanilang ugnayan.
Tumagal ang lock-in taping ng teleserye mula November 18-December 18, 2020.
December 19, nakipag-break si Kristoffer kay AC matapos ang seven years na relasyon.
Ang rason na ibinigay raw ni Kristoffer kay AC ay “napagod siya.”
A week after the breakup, inamin umano ni Kristoffer kay AC na may ibang babae siyang natagpuan.
Pagsapit ng March 2021, nakikita na ng publiko sina Kristoffer at Liezel, at kalaunan ay kinumpirma ang relasyon nila.
Pagsapit ng July 2021, inamin ni Liezel via TikTok na nakipaghiwalay siya kay Kristoffer.
Read: Kristoffer Martin confirms relationship with co-star Liezel Lopez; addresses cheater allegation
May patutsada siyang huwag balewalain ang “red flags” at may komento pang bukod sa kanya ay may ibang babae umano si Kristoffer.
Kasabay ng kumpirmasyon ni Liezel, napaulat din ang pagbabalikan nina Kristoffer at AC.
Mag-asawa na ngayon sina Kristoffer at AC matapos ikasal noong February 3, 2022.
Read: Kristoffer Martin marries non-showbiz partner AC Banzon
