Ipinagluluksa ng Kapuso comedian na si Michael V., a.k.a Bitoy, ang pagpanaw ng kanyang makeup artist at stylist na si Mario Bernardino, o kung tawagin nila ay Maria.
Sa Instagram ni Bitoy nitong Miyerkules, January 3, 2024, inalala niya ang kabaitan at kabutihan ni Maria sa matagal na pahanong pagsasama nila bilang magkatrabaho.
Ayon sa Bubble Gang at Pepito Manaloto lead star, mahigit 25 taóng nagsilbi si Maria sa kanya bilang makeup artist at hairstylist.
Read: Kapuso comedian Michael V. on crossing paths with Kapamilya comedian Vice Ganda: “Possibilities.”
Ibinida rin niya si Maria bilang ang tao sa likod ng kanyang looks sa mga proyektong ginawa ng komedyante.
Mababasa sa post ni Bitoy, kalakip ng mga litrato nila ni Maria (published as is): "Madalas n’yo ’kong makita na naka-character sa mga shows, print ads at TVCommercials na ginagawa ko.
"All this time, ang makeup artist at hairstylist ko is this wonderful human being named Mario Bernardino or 'MARIA' for short.
"Matagal na kaming magka-tandem ni Maria; more than 25 years na.
"When I look my best and when I look like someone else, Maria has always been behind those looks.
"Nakakalungkot when I found out that he passed away today."
Hindi nagbigay ng iba pang detalye si Bitoy sa sanhi ng pagkamatay ni Maria. Ang ginawa niya ay nagpasalamat siya rito dahil bukod sa pagiging makeup artist at hairstylist ay naging isang mabuting kaibigan daw si Maria sa kanya.
Ani Bitoy: "I will miss you my dear friend.
"Marami kaming nagmamahal at malulungkot sa industriya ngayong wala ka na.
"May you rest in peace."
Samantala, sa comments section ng kanyang post ay bumuhos din ang pakikisimpatya ng co-celebrities ni Bitoy na personal ding kakilala si Maria.
Komento ni Ogie Alcasid, "Nakakalungkot. [sad emojis] nakikiramay pare. Mahal na mahal natin si Maria. Rest in peace my dear Maria."
Saad ni Manilyn Reyes, "Mama Mary…"
"Prayers para kay nay maria," mensahe naman ni Mikael Daez.
Dagdag ni Dawn Zulueta, "Condolences."

