Masaya si Gretchen Ho sa pagpapakasal ng ex-boyfriend niyang si Robi Domingo sa non-showbiz girlfriend nitong si Maiqui Pineda.
Sa X (dating Twitter), isang netizen ang nang-uyam kay Gretchen dahil ikinasal na ang dating nobyo.
Una, ibinahagi ng netizen ang isang video clip ng kasal nina Robi at Maiqui sa Diocesan Shrine and Parish of San Isidro Labrador sa Brgy. Poblacion, Pulilan, Bulacan, noong Sabado, January 6, 2024.
Read: Robi Domingo marries long-time girlfriend Maiqui Pineda
Sa kanyang Instagram Stories naman noong Linggo, January 7, ibinahagi ni Gretchen ang quote ng American journalist and photographer na si Amber Lyon tungkol sa isang pagsubok na darating sa ating buhay.
Buong sinabi ni Amber, “Things don’t come to us once we are ready, they tend to arrive early. Right when we are not sure of our capacity to fulfill them. And that’s the acceptance of the challenge. The ability to trust ourselves to figure it out as we go. To navigate new waters and learn along the way.”
Ibinahagi niya rin ito sa kanyang Facebook.
Sabi ng isang follower ni Gretchen sa X, “Tara shot @gretchenho”
Hindi ito sinagot ni Gretchen.
Pero makulit ang nasabing follower. Sabi pa niya ulit, kasabay ng pag-share ng kanyang post, “Felt sad for her”
Hindi naman napikon ang TV5 journalist sa kanya.
Sabi ni Gretchen, nais lang niyang linawin ang tungkol sa kanyang IG Story. Hindi raw ito tungkol sa kanyang puso kundi sa kanyang career.
Nananatili rin daw silang mabuting magkaibigan nina Robi at Maiqui.
Saad ni Gretchen, “Hi, sorry, couldn’t help but clear this up. My post on my IG stories was about some career realizations. I was off-grid for most of the day (camping) so I didn’t really know. Re: wedding, I am very and completely happy for Robi and Maiqui! [smiling emoji] W are good friends! [heart emoji]”
2017 nang maghiwalay sina Gretchen at Robi matapos ang tatlong taong relasyon.
Karera ang dahilan na sinabi nila tungkol sa dahilan ng kanilang hiwalayan. Pero nanatili silang magkaibigan.
Read: Gretchen Ho, Robi Domingo confirm breakup
Pahayag ni Gretchen sa isang panayam noong 2018, "Okay naman kami, wala naman kaming sama ng loob."
Katunayan, masaya raw si Gretchen sa balitang may bagong babae sa buhay ni Robi—ang rumored girlfriend nito noong si Maiqui.
"Yeah, oo naman. Seeing him happy, sabi ko, that's all we want for each other."
Read: Gretchen Ho happy for ex-boyfriend Robi Domingo's newfound love
