Nakauwi na sa Pilipinas ang Kapuso actress na si Kylie Padilla matapos niyang magtungo sa Tokyo, Japan, kung saan siya nagdiwang ng Bagong Taon.
Sa kanyang Instagram broadcast channel noong January 5, 2024, naghayag ng saloobin si Kylie sa napagtanto niya sa kanyang recent Japan trip.
Rebelasyon ng aktres, simula noong nahiwalay siya sa estranged husband na si Aljur Abrenica ay natakot na siya sa buhay na tatahakin niyang mag-isa.
Read: Aljur Abrenica admits cheating on Kylie Padilla: "Totoo naman."
Nakaligtaan na rin daw niyang magpahinga at mag-relax sa trabaho dahil sa takot at pressure niyang bigyan ng magandang buhay ang dalawa nilang anak ni Aljur — sina Alas at Axl.
Mababasa sa kanyang post (published as is), "Reflection ~ since this tokyo trip I have realised so much.
"Ever since my separation with my ex I have been so afraid of life.
"Afraid of relaxing and letting go of my grip on control. I didn't know how much single parenthood scared me.
"Having two young kids rely on you while you are falling apart is so much pressure pala."
Gayunpaman, proud daw si Kylie sa mga pinagdaanan niya, dahil ito ang nagturo sa kanyang maging matatag at lumaban sa anumang hamon ng buhay.
Read: Kylie Padilla opens up about being “stuck in fight or flight” after separation from Aljur Abrenica
Kaya ngayong 2024, mas kalmado at matapang na raw na bersyon ang pangingibabawin niya kumpara noong 2023 na mas nangibabaw ang lungkot at takot.
Saad ni Kylie, “I was bursting at the seams, but looking back, I’m so proud of how far I’ve come.
"2024 is here, and I think I can afford to calm down.
"Since abundance is my [mantra] this year, maybe the lesson is the more you let go, then the more you can accept into your life.
"More help, more calmness, and more smiles rather than overthinking."
Dagdag pa ng aktres, "I am loved, I am ok and I am supported.
"Hay. Amen for everything."

Read: Kylie Padilla napaiyak nang balikan ang failed marriage nila ni Aljur Abrenica
Taong 2018 nang magpakasal si Kylie kay Aljur. Biniyayaan sila ng dalawang anak.
Hanggang noong 2021, naisyu ang relasyon ng dalawa matapos mapabalitang hiwalay na sila.
July 2021, nakumpirmang nagwakas na nga ang relasyon nina Kylie at Aljur dahil sa rebelasyon ng ama ng aktres na si Robin Padilla. Sinabi nitong third party ang dahilan ng breakup ng dalawa.
Read: Robin Padilla reveals daughter Kylie broke up with husband Aljur over third party
Dito na rin nasangkot ang pangalan ng Vivamax actress na si AJ Raval na pinaghinalaang third party sa hiwalayang Aljur at Kylie.
Read: AJ Raval nagka-mental breakdown dahil sa matinding bashing
Ito'y dahil makailang beses silang naispatan ni Aljur na magkasama matapos isapubliko ni Robin na hiwalay na ang aktor at ang kanyang anak.
Read: "Getting-to-know stage?"—AJ Raval, Aljur Abrenica spotted HHWW at a mall
Hanggang noong February 14, 2023, tuluyan nang isinapubliko nina Aljur at AJ ang kanilang relasyon.
Read: Jowa reveal: AJ Raval, Aljur Abrenica confirm relationship via Valentine's Day posts
Samantala, mayroon na rin ngayong napapabalitang "boyfriend" si Kylie.
Read:
- Kylie Padilla travels to Thailand with rumored boyfriend; reacts to “ikaw naman unang lumandi” comment
- Aljur Abrenica wants to meet Kylie Padilla's boyfriend; reacts to Kylie defending AJ Raval
Sa eksklusibong panayam niya sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) noong July 22, sa GMA Gala 2023, ipinagtapat ni Kylie na masaya ang estado ng puso niya.
Paliwanag pa niya, dahil sa masalimuot na pinagdaanan ng kanyang nakalipas na relasyon ay napagdesisyunan niyang gawing pribado muna ang relasyong mayroon siya ngayon.
Aniya, "After kasi ng everything, gusto ko na munang i-private yon."
Read: Kylie Padilla keeps mum about love life but admits "masaya ang puso ko"
