PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

PEP OUTTAKES: Rejecting Mali, the Loneliest Elephant

Sad and ignorant: Manila government open if Sri Lanka donates another elephant.
Deputy Editor Bernie V. Franco Senior Staff Writer KC Cordero
Published Jan 12, 2024
Mali the Elephant
If the Manila Zoo and the Manila government have not learned from their mistakes from the life and times of Mali, The Loneliest Elephant, it is human beings that really need watching.
PHOTO/S: PETA / Ezra Acayan

Natalakay sa interview kay Manila Mayor Honey Lacuna ang pagdadala muli ng isang elepante sa Pilipinas kasunod ng pagkamatay ng nag-iisang elepante ng Pilipinas na si Mali.

Si Mali ay female at 49 years old.

Namatay siya dulot ng congestive heart failure at iba pang karamdaman.

Inanunsiyo ng Manila Public Information Office noong November 28, 2023 ang pagkamatay ni Mali.

Read: Mali, nag-iisang elepante ng Pilipinas, pumanaw na

Mula sa Sri Lanka, dinala sa Pilipinas si Mali noong 1977, noong ito ay three years old po lamang.

Mula noon ay nanatili na ito sa Manila Zoo.

Nangangahulugang nakakulong si Mali ng 46 years.

Nilinaw ni Mayor Lacuna sa "Headstart "ng ANC, noong January 9, 2024, na hindi humihiling ang Pilipinas ng isa pang elepante mula sa Sri Lanka.

Sabi ng mayora, “We just sent a letter to the Sri Lankan government telling them that Mali has passed. Pero no mention naman po talaga na humihingi kami ng elephant.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Aware raw ang alkalde sa “different opinions” sa paksang ito.

Hindi nag-elaborate si Lacuna, pero sa Pilipinas ay maraming ANIMAL RIGHTS ADVOCATES ang nanawagang palayain si Mali noong nabubuhay pa ito.

Ngunit pasubali ni Mayor Lacuna: “Pero, of course, if the Sri Lankan government will entrust another one, bakit naman po hindi.”

Nilinaw niyang wala pang update ang Sri Lanka ukol dito.

Binanggit din ni Lacuna na noong termino ni Isko Moreno, bumisita sa Manila Zoo ang Sri Lankan ambassador at “he mentioned to Isko Moreno that just in case something happens to Mali because of her age, that they are very willing to give or to donate another elephant to the city of Manila.”

Mali the elephant

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

FREE MALI CAMPAIGN IN THE PAST

Noong nabubuhay pa si Mali, maraming international and local well-known celebrities ang nanawagang dalhin na si Mali sa isang elephant sanctuary sa Thailand para mabigyan ng kaukulang pangangalaga.

Ilang sa kanilang nanawagan noon ay sina Beatles member Paul MacCartney, Hollywood stars Alicia Silvertone, Pamela Anderson, at maaaring mas matimbang pa, ang renowned English primatologist and anthropologist na si Dr. Jane Goodall.

Free Mali! ang kanilang cry.

Read: Paul McCartney appeals to PNoy to free Mali the Elephant; Dingdong, Marian throw their support to animal rights crusade

Locally, nariyan ang A-listers na sina Marian Rivera at Dingdong Dantes, Piolo Pascual, Jericho Rosales, Kim Chiu, Gerald Anderson, Enrique Gil, Sam Milby, Glaiza de Castro at marami pang iba.

Hanggang sa namatay si Mali, walang nangyari. Mag-isa pa rin siya.

Pro-active rin noon ang international animal rights group na People for the Ethical Treatment of Animals (PETA) sa panawagan sa Manila government na palayain ang elepante.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Pero ang panawagang ito ay hindi pinakinggan ng city government.

“Instead, the Manila Zoo and the city of Manila sentenced Mali to decades of solitary confinement," sabi ng PETA sa BusinessMirror. "Torture for female elephants, who, in nature, spend their lives among their mothers and sisters, protecting one another and raising each other’s calves."

Pagtatapos ng PETA: "and now she has lost any chance of happiness.”

Namatay si Mali na itinuturing ng PETA bilang “the world’s loneliest elephant.”

BERNIE FRANCO, DEPUTY EDITOR, NON-CELEBRITY SECTION

“For more than four decades, Mali had been part of the childhood of many Filipinos.”

Ilang beses kong nabasa ang pangungusap na ito—or something to this effect—noong mamatay si Mali. O kahit noong buhay pa siya.

Isa rin ako sa mga nakapunta sa Manila Zoo noong bata pa at nakita si Mali.

Vague ang memory ko sa kanya, so I cannot say that she was really part of my childhood. And I’m sure there are many people who also feel the same way.

Para sa isang musmos, ang amusement na makakita ng isang giant creature only lasts a few minutes. Then a kid’s attention is occupied by another thing.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Sa pagtanda ng bata maaaaring matandaan niya si Mali kapag mapag-usapan, o para sa mas sharp ang memory maaaring hindi makakalimutan—pero it’s not as if lagi mo siyang iniisip.

My point is that it isn’t having an elephant to look at is not really life-changing para sa atin.

Pero ang kapalit nito, Mali had to serve and had to suffer for decades.

And for what? For children to have those fleeting memories? To have memories that don't lead to children embracing animal rights or even wanting to understand animal welfare?

As a grown up, mas may impact at mas affected ako sa naging kondisyon ni Mali. Not just Mali—but animals caged in zoos in general.

Maraming beses na ring napaulat ang mga insidente ng freak accidents of enclosed animals hurting humans or hurting themselves because they had been “caged.”

Simple lang: They are not in their natural habitat. This is bound to affect their mental state and, eventually, their behavior.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

I was never really a fan of zoos. I am saddened to see animals inside a cage being treated like “animals,” knowing that they are living creatures with feelings!

Mas preferred ko ang SANCTUARY, where there are people knowledgeable about animals, understand them, and care for them properly.

And if the government of Manila and the administration of the Manila Zoo welcome another elephant, malinaw na wala silang natutunan sa ginawa nila kay Mali.

Namatay at lahat ang "loneliest elephant in the world" nang walang naidagdag sa kaalaman ng tao tungkol sa mga elepante.

Hindi sila nabubuhay in isolation. Social creatures sila. They need the company of their own kind.

KC CORDERO, SENIOR STAFF WRITER

Ang mga animal rights advocates lang naman ang nagsasabi na malungkot ang naging buhay ni Mali sa Manila Zoo at napabayaan ito.

Noong 2013 kung kailan plano sana siyang ilipat sa isang sanctuary sa Thailand, natuklasan ng nag-obserba sa kanya na si Nikorn Thongtip ng Kasetsart University na ang buong sistema niya ay malusog.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Kung meron mang “mali” kay Mali sa pamumuhay niya sa Manila Zoo, masyado siyang mataba o overweight. Marahil ay hindi nalilimitahang mabuti kapag sinusubuan siya ng mga bisita sa zoo ng kung anu-anong pagkain. Kinailangan siyang isailalim sa diet.

Ayon kay Thongtip ay maayos din ang mga kuko ni Mali kumpara sa ibang elepanteng kaedad niyang nasa wild. Maging ang resulta ng kanyang blood test ay nagpapakita na malusog siya at walang tuberculosis—na isa sa dapat tiyakin bago siya dalhin sa Thailand.

Hindi natuloy ang paglilipat sa kanya sa Thailand sa pangambang baka hindi niya makasanayan ang buhay sa bagong kapaligiran.

Nga lang, isa lang opinyon yon. Hindi naman representative si Thongtip ng isang lupon ng animal doctors. Siya nga ay university based at hindi talaga nasa field.

Samantala, ipinanukala ng People for the Ethical Treatment of Animals (PETA) na kung hindi siya puwede sa Thailand, baka posible siya sa Elephant Sanctuary sa United States.

Pero merong mga nasa Network for Animals (NFA), na mahigpit ang pagtutol sa pagtatayo ng mga zoos, na nagsabing ang best option para kay Mali ay ang manatili ito sa Manila Zoo.

Hindi malinaw ang basehan ng sinasabi nilang "best option." Marahil ay dahil, kung Thailand man, matagal nang nasa Manila Zoo noon si Mali; at kung sa U.S. naman ay masyadong mahaba ang biyahe.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Namatay si Mali noong November 28, 2023. Tinatayang ang edad niya ay nasa 43 hanggang 49. Ang lifespan ng isang Asian elephant ay 48 years. Kung hindi maganda ang naging kalagayan niya sa Manila Zoo, siguro hindi siya aabot sa edad na kailangan na talaga niyang magpahinga.

Ang tanong: Ang haba ba ng buhay ang tanging pamantayan? Paaano ang kalidad ng buhay? Kung ang natural sa mga elepante ay hindi humiwalay sa pamilya, anong environment ang ibinigay natin sa kanya rito?

Kung pabor ba ako na muling magkaroon ng elepante sa Manila Zoo, ang masasabi ko ay okey lang ako—pero dapat may kapareha at magkaiba sila ng kasarian.

Kaya kasi sinasabing malungkot si Mali, kumpara sa ibang hayop sa Manila Zoo, ay wala siyang kasama.

Makakita nga lang ng taong kumakaing mag-isa, akala ng iba ay malungkot na ang buhay nito—ang hayop pa kaya?

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
If the Manila Zoo and the Manila government have not learned from their mistakes from the life and times of Mali, The Loneliest Elephant, it is human beings that really need watching.
PHOTO/S: PETA / Ezra Acayan
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results