Tuwang-tuwa si Jericho Rosales nang mahalungkat niya sa kung saan ang lumang paper dolls nila ni Heart Evangelista mula sa Panday.
Ang Panday ay Kapamilya prime-time series na umere mula November 2005 hanggang May 2006.
Read: Showbiz history: Celebrity couples who broke up via text or phone call
Pinost ni Jericho sa Instagram Stories ang video kunsaan kakuwentuhan niya ang kanyang barber habang tinitingnan ang paper dolls.
"Si Heart nga 'to. Katawan ba ni Heart yan? Parang dinikit lang," natatawang bulalas ni Jericho, na ang tinitignan ay ang paper doll kunsaan nakasuot ng crop top at shorts si Heart.
"Sexy ba," komento ng barbero.
Tugon ni Jericho, "Parang dinikit lang din. Pero at least dati pa nasa fashion na siya. O, di ba?"
Sabay hirit ni Jericho, "Hi, Heart!"

Tawang-tawa pa si Jericho nang makita ang paper doll kunsaan siya naman ay topless, pero nakasuot ng cropped pants, socks, at sneakers.
Base pa rin sa Instagram Story ni Jericho, makikitang napaupo pa siya sa sahig dahil sa porma niya sa paper doll.
Sabay tumayo rin ang aktor para ipakitang nakamedyas at sneakers din siya.

Katabi ng paper doll niya ay paper doll ni Heart na naka-bikini.
Natatawang hirit pa ni Jericho: "Ano to? Outfit check! Par! Ano, par? Simbang gabi na! Yan ang mga pormahan!"
Caption niya rito, kalakip ng laughing emoji, "Masaya sa kubo" at "Sorry @iamhearte."

Tila ang tinukoy ni Jericho na "masaya sa kubo" ay ang simpleng trip nila noon ni Heart noong magkasintahan pa sila.
Matatandaan sa panayam kay Heart ng Cosmopolitan Magazine 2008 issue, sinabi ni Heart na "you and me against the world" ang peg nila noon ni Jericho.
Aniya, "We could live in a kubo, I don't care if we eat in a carinderia, my god, magkamay tayo! It's the best life I ever had, and I will never forget it."
Nagkahulugan ng loob sina Jericho at Heart habang nagkatrabaho sa Panday. Tumagal ng tatlong taon ang kanilang relasyon.
Huling nagkrus ang landas ng dalawa nang magsama-sama sila sa isang intimate reunion ng piling Kapamilya stars na malapit kay Johnny Manahan, o mas kilala bilang Mr. M.
Read: Heart Evangelista posts reunion with ex-boyfriend Jericho Rosales, other Mr. M babies
Naganap ang reunion noong March 2023.
Read: Reason why Heart Evangelista, Jericho Rosales, Mr. M babies had a reunion
