Lumikha ng ingay mula sa netizens ang pag-like ni Kathryn Bernardo sa isang kasabihang ipinost sa social media ng kaibigan niyang talent manager na si Mark Salamat.
Huwebes, January 11, 2024, ibinahagi ni Mark sa Instagram ang kasabihan mula kay Paulo Coelho, isang Brazilian lyricist at novelist at miyembro din ng Brazilian Academy of Letters.
Nakasaad dito, “A mistake repeated more than once is a decision.”
Ayon sa kasabihan, ang isang maling paulit-ulit na ginagawa ay hindi kamalian kundi isang desisyon.
View this post on Instagram
Ni-like ito ni Kathryn.

Parehong kaibigan ni Kathryn at ng ex-boyfriend niyang si Daniel Padilla si Mark.
Inanunsiyo nina Kathryn at Daniel ang hiwalayan nila noong nakaraang November 30, 2023.
Walang binanggit na dahilan ang dalawa kung bakit nila tinapos ang kanilang 11-year relationship.
Ngunit kalaunan ay lumitaw ang usa-usapang third party umano, sa parte ni Daniel, ang dahilan ng breakup nila.
Read: End of KathNiel Era: A timeline of their generation's hottest box-office love team
Pagkatapos nilang mag-break, may mga pagkakataong nakikita pa rin sina Kathryn at Daniel na magkasama sa ilang importanteng events.
Kabilang dito ang ABS-CBN Christmas Special noong December 4, at Asian Artist Awards 2023 noong December 14.
Huling naispatan ng publiko sina Kathryn at Daniel na magkasama nang parehas silang dumalo sa kasal ng malapit nilang kaibigang sina Robi Domingo at Maiqui Pineda sa Bulacan, noong January 6.
Read: Celebrity guests at Robi Domingo and Maiqui Pineda's church wedding in Bulacan
Pero nila lamang Miyerkules, January 10, 2024, napansin ng mapanuring mata ng netizens na in-unfollow ni Kathryn si Daniel sa Instagram. Pati na ang mga kapwa niya aktres na sina Liza Soberano, Julia Barretto, at Gillian Vicencio.
Read: Kathryn Bernardo unfollows ex-boyfriend Daniel Padilla on Instagram
Read: Did Kathryn Bernardo unfollow Liza Soberano, Julia Barretto, Gillian Vicencio on Instagram?
