PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Bea Alonzo on how male celebrities get away with cheating

"Kaya... Ayoko ng artista na dyowa."
by Bernie V. Franco
Published Jan 13, 2024
Bea Alonzo
Actress Bea Alonzo suggests that her unpleasant experiences with having showbiz boyfriends in the past led to her resolve not to enter into a relationship with a showbiz guy.
PHOTO/S: YouTube (Luis Manzano)

Kumbinsido si Bea Alonzo na maraming red flags ang mga kalalakihan sa showbiz.

Mas madali nga lang daw silang makalusot dahil puwede nilang idahilan ang kanilang trabaho.

May pahiwatig si Bea sa kanyang pahayag na batay ito sa sariling karanasan lalo pa at karamihan sa kanyang naging boyfriends ay galing showbiz.

Inilabas ni Bea ang kanyang saloobin sa paksang ito sa guest appearance niya sa YouTube vlog ni Luis Manzano nitong January 9, 2024.

Sumalang si Bea sa lie-detector test.

Ganito ang tanong ni Luis kay Bea, “Masasabi mo ba na kadalasan, ang mga kalalakihan sa showbiz ay maraming red flags?”

Nag-isip muna si Bea. “Parang halos lahat ng naging dyowa ko artista, e,” aniya na sinundan ng pagtawa.

“Oo? Oo,” magkasunod niyang sagot, na mas sigurado nang sambitin ang pangalawalang “oo.”

Lumabas sa lie-detector test na "truth" ang sagot ni Bea sa tanong sa kanya.

Read: Bea Alonzo says happy husbands "can never be seduced"

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

May pahabol na paliwanag ang Kapuso actress sa kanyang isinagot.

"Let me be clear. Ngayon, maraming lalaki in general—kahit na hindi sa showbiz industry—ang maraming red flags.

“Pero sa tingin ko lang sa showbiz, mas madaling nakakalusot. Kasi, halimbawa may pelikula magho-holding hands, mag-aano, 'tapos sasabihin, ‘Ah, it’s just for the movie.’ It’s so convenient,” may diing sabi ni Bea.

Luis Manzano and Bea Alonzo

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Matutukoy na nais ipahiwatig ni Bea na kung mag-flirt man ang aktor sa kanyang leading lady, puwede nitong idahilan na para lang ito sa ginagampanang role.

Ang ganitong karanasan daw ang dahilan kung bakit nagdesisyon si Bea na huwag nang humanap ng lalaking taga-showbiz.

Pagpapatuloy niya, “Kaya sabi ko after nun, ‘Ayoko ng artista na dyowa.’

“Kaya unang tanong ko kay Dom nung magdi-date pa lang kami, ‘Nag-aartista ka pa ba? Ayoko ng artista.’ Buti hindi na siya nag-aartista.”

Ang tinutukoy ni Bea ay ang kanyang fiancé na si Dominic Roque na dati ring artista.

Nag-propose si Dominic kay Bea noong July 2023 matapos ng mahigit dalawang taong relasyon.

Bago ito, naging boyfriend noon ni Bea ang yumaong si Mico Palanca, si Zanjoe Marudo, at sumunod si Gerald Anderson, na nauwi sa napakakontrobersiyal na paghihiwalay noong 2019.

Read:

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓
Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Actress Bea Alonzo suggests that her unpleasant experiences with having showbiz boyfriends in the past led to her resolve not to enter into a relationship with a showbiz guy.
PHOTO/S: YouTube (Luis Manzano)
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results