Masayang-masaya ang baguhang indie star na si Quinn Carillo na kabilang siya sa bagong primetime series ng GMA na Asawa Ng Asawa Ko.
Hindi nga daw siya makapaniwalang primetime kaagad ang kauna-unahang show na kinabibilangan niya sa mainstream television.
Kuwento niya, “Sobrang kinikilig po talaga, kasi nung una, sabi nga po, is pang-hapon.
“'Tapos, kahit po pang-hapon, sobrang suwerte ko na sobrang happy ko na, 'tapos sinabi nila na biglang sa primetime.
“So lalong... ‘Oh, my God! It's my first TV series and it's gonna be primetime!’
“Di ko alam, I don't know what to feel, I'm just feeling really elated right now.
“Sabi ko, ‘Oh, my gosh, sobrang suwerte ko.'”
Bida sa show sina Jasmine Curtis-Smith at Rayver Cruz. Kasama rin nila sina Liezel Lopez, Martin del Rosario, Joem Bascon, at marami pang iba.
Ang direktor naman nila ay si Laurice Guillen.
Anong pakiramdam niya ngayon na nakatawid na siya mula sa indie films to mainstream TV?
Tugon ni Quinn, “Actually, hindi ko po siya iniisip, like, nakatawid na ako.
"Kasi, it's still work. And ayoko naman pong paabutin sa utak ko na, 'Ay, mainstream na yan.'
"So, it's still work pa rin naman yun. Kasi, feeling ko, aakyat sa utak ko.
"Kahit sabihin ko, ayoko. Kahit sabihin ko, nakatawid. Meron, e.
"Meron at meron talagang parang, parang aakyat talaga sa utak ko yun, yung ginagawa kong project.
“So, inisip ko na lang, ano to, like, any other job, gawin mo nang maayos, gawin mo ang best mo, gawin mo lahat ng puwede mong gawin, para maipakita mo na deserve mo itong project.”
