Buong pusong iniaalay ng buong cast at produksyon ng esports-themed film na GG (Good Game) The Movie ang kanilang upcoming film sa namayapang beteranong aktor na si Ronaldo Valdez.
Sumakabilang buhay si Ronaldo noong December 17, 2023, sa mismong bahay niya sa Quezon City.
Read: Veteran actor Ronaldo Valdez dies at 77
Sa ginanap na Good Game press junket noong January 10, 2023, hindi nakalimutang bigyang-pugay ng cast ng pelikula ang husay ni Ronaldo bilang tao at katrabaho.
Read: Donny Pangilinan to co-star with mom Maricel Laxa in upcoming film about e-sports
Si Ronaldo ay kasama sa cast ng Good Game. Ito ang isa sa pelikulang ginawa niya bago siya pumanaw.
Bida sa pelikula si Donny Pangilinan at kasama sa cast si Boots Anson Roa-Rodrigo.
Ayon sa beteranang aktres na si Boots, malaki ang kontribusyon ni Ronaldo sa kanilang pelikula.
Gumanap si Ronaldo bilang asawa ng karakter ni Boots. Anak nila si Maricel Laxa at apo sa istorya si Donny.
Saad ni Boots, "Alam niyo, kumbaga, isang buong jigsaw puzzle ito. Napakagandang jigsaw puzzle ito.
"Merong isang kulang na parte na maliit, malaki, pero kung wala itong jigsaw puzzle part na ito, hindi makukumpleto yung pelikula.
"We’re referring to the late Ronaldo Valdez."

Malaki ang respeto ni Boots kay Ronaldo dahil kahit sa kahuli-hulihang oras nito sa mundo ay inalay pa rin ang oras at talento sa paggawa ng dekalibreng pelikula, na mapapanood ng marami kahit na wala na siya.
Lahad ni Boots: "This is not the time to mourn his death, but a time I think for us to enjoy and to celebrate the illustrious and meaningful life that he led as an actor and as a member of the industry.
"And we remember him with fondest thoughts and with a lot of respect for his filmography and his great contribution to the industry by way of his work. So our loss is heaven’s gain."
Read: Janno Gibbs reveals late dad Ronaldo Valdez left a note before his death
Sa halip na magluksa, nakatitiyak daw si Boots na mas gugustuhin ni Ronaldo na maging masaya ang mga mahal niya sa buhay.
"I know Ronaldo, mahilig yun mag-kenkoy sa pelikula. Lahat tayo na-experience natin yun.
"Baka nga nandito lang yan sa pali-paligid. Baka mamaya gulatin niya tayo."
Read: Janno Gibbs asks for public apology over mishandling of investigation of dad Ronaldo Valdez's death
BOOTS LIKENS LOVE TEAM WITH RONALDO TO KATHNIEL
Sa rami rin ng proyektong nagawa nila ni Ronaldo simula pa noong '70s, hinding hindi raw makakalimutan ni Boots ang namayapang aktor.
Balik-tanaw ng beteranang aktres: “Lover [ko siya] sa maraming pelikula.
"1974 pa po gumagawa na kami ng pelikula ni Ronaldo. Kami yung mga KathNiel nung araw, mga LizQuen.
"Pero iba yung mga love teams nung araw kesa ngayon. We did a number of films.
"Pero dito sa Good Game, unfortunately, estranged couple kami dito, so hindi kami magkasama sa mga eksena.
"Ang madalas na kasama niya ay si Maricel na anak namin."
Dagdag pa ni Boots, "We were together sa earlier presscons, sa story conference.
"And even then, si Ronaldo, even if he was facing many challenges, e patawa pa rin po siya nang patawa.
"And he was always a joy to work with."
Read: Janno Gibbs narrates crime scene investigation after dad Ronaldo Valdez was found dead
Hindi man na maaabutan ni Ronaldo ang showing ng Good Game sa January 24, inaalay naman daw ng cast at production sa aktor ang inaasam nilang tagumpay ng pelikulang ito.
Ani Boots, "We’ll surely miss him and as was announced earlier, we dedicate this project to his memory.
"We honor him through GG."
DONNY ON WORKING WITH RONALDO
Karangalan naman para kay Donny na makatrabaho ang isa sa hinahangaan niyang aktor na si Ronaldo.
Kuwento ni Donny, kahit na beterano na si Ronaldo sa pag-arte ay hindi nito kailanman ipinadama sa kanila na baguhan sila sa mundo ng showbiz.
Na-enjoy rin daw niya na makatrabaho ito lalo na't offscreen ay lumalabas ang pagiging palabiro at masayahin nito.
Sabi ni Donny, “Sobrang privileged ko because I was able to work with him.
"He was such a joy to have on set. Ang dami niyang jokes. He was very fun to be with and made us feel very comfortable around him.
"Kahit na dito medyo strict siya on set, medyo malalim yung sinasabi niya, off screen naman hindi yun yung napi-feel ko at all.
"And I’m just glad that we were blessed with his presence during the whole making of the film."
Read: Maricel Laxa reveals son Donny Pangilinan was once "medyo nalulong sa Mobile Legends"
