Positibo pa rin si Isko Moreno sa kabila ng pinagdaanang legal battle ng kinabibilangang noontime show, ang Tahanang Pinakamasaya, na dating kilala bilang Eat Bulaga!.
Magkasunod ang desisyong hindi pabor sa Television and Production Exponents (TAPE), Inc. kaugnay ng legal battle nito laban sa grupo nina Tito Sotto, Vic Sotto, at Joey de Leon o mas kilala bilang TVJ.
Ang TAPE ang producer ng blocktime noontime show na umeere sa GMA-7, habang ang TVJ ang co-producer ng noontime show na umeere sa TV5.
Noong December 4, 2023, ipinagkaloob ng Intellectual Property Office (IPO) sa TVJ ang pagmamay-ari ng trademark para sa pangalang Eat Bulaga!.
Read: TVJ wins Eat Bulaga! trademark case; IPO cancels Eat Bulaga!/EB trademark of TAPE
Noong January 4, 2024, naiulat na nanalo ang TVJ sa kasong copyright infringement at unfair competition laban sa TAPE, Inc. at GMA Network, Inc. kaugnay ng paggamit ng pangalang Eat Bulaga!.
Read: TVJ wins copyright infringement, unfair competition cases vs TAPE, GMA-7
Simula noong January 6, mula sa paggamit ng orihinal na titulong Eat Bulaga!, pinalitan na nila ito ng Tahanang Pinakamasaya.
Read: TAPE noontime show, Tahanang Pinakamasaya na ang title; di na ginamit ang Eat Bulaga!
Sa panayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) noong January 15, 2024, tinanong si Isko kung hindi ba siya "na-shake o na-dishearten" sa nangyari.
"Yung shake, it’s true. Because you need to come up with better ideas," pag-amin niya.
Sabay sabi rin ng former Manila mayor, "But, dishearten, no. That’s a legal procedure. Hindi mo control yan.
"What we are in control is to come up with energetic, more youthful, family-oriented noontime show.
"Medyo na-achieve namin at nagpapasalamat ako.”
Isa sa madalas na nababasang komento sa bagong title ng kanilang noontime show, "Ang haba!"
Iba naman ang opinyon ni Isko.
Lahad niya: "Well, for me, ha, the title itself speaks for the show, Tahanang Pinakamasaya. So, yung nakakasama naming televiewers every single day, mga pamilya.
"Kasi, yun nga, family-oriented na ang show. So, I think, that’s the good thing about the show.
"Yung title, in fact, modesty aside, kapag nakikita na kami sa 'G sa Gedli,' tatanungin mo, 'Ano ang masasabi mo?' 'Naku! Maraming salamat sa Tahanang Pinakamasaya!'
"Gets na agad nila. Kaya ako, 'Wow, talaga? Naalala mo. Thank you naman.'"
Ang "G sa Gedli" na tinutukoy ni Isko ay ang noontime show segment kunsaan namimigay ang show ng prizes sa iba-ibang lugar sa Metro Manila.
Ayon kay Isko, marami pa silang naka-pipeline na mga bagong segment na ang bida ay viewers ng show.
"I’m grateful to God, I’m happy. You know, this is just another day of us excelling the field of entertainment. Masayang-
Read: Isko Moreno recalls proposing to wife after month-long courtship; now married for 24 years
NOONTIME RATINGS
Ibinahagi rin ni Isko na masaya siya sa TV ratings na nakukuha ng Tahanang Pinakamasaya, na pumapangalawa sa Eat Bulaga! ng TVJ.
Ang It's Showtime ng Kapamilya Network ay pangatlo sa ranking pagdating sa ratings, base sa datos na inulat ng PEP Troika noong January 4.
"Naku, sa ating mga televiewers, thank you very much. For one week, we continue to enjoy being number two with the good numbers.
"Regardless sa other shows, ano pa rin sila, nandon pa rin sila sa Top 1.
"But the thing is, we have a very good start when it comes to numbers, dikit, e," saad ni Isko.
Dagdag niya, "Second, we continue to enjoy the NUTAM ratings for the past one week, overwhelmingly.
"So, the market shares of viewership, nae-enjoy namin with Tahanang Pinakamasaya."
Maganda rin daw ang hatak ng show pagdating sa advertisers, at umaabot ng "35 to 45 minutes a day" ang ads ng show.
"With the advertisers' trust, overwhelmingly naa-appreciate nila. And we went around and asked, 'What do they see placing their products to advertise in Tahanang Pinakamasaya?'
"Nakita nila na naging family-oriented ang show. Family-centric, viewer-centric yung show, nakita nila. Mas gusto nila yon.
"So, nakikita nila na it’s the effort of the production, creatives, and the hosts doing entertainment daily, na-appreciate ng mga advertisers.
"So, we’re very grateful sa ating mga televiewers, advertisers."
Read: Glaiza de Castro, Buboy Villar, at Kokoy de Santos papalitan kaya sa Tahanang Pinakamasaya?
MORE TV SHOWS, MORE JOBS
Ang mahalaga raw para kay Isko ay mas marami ang may trabaho dahil sa iba-ibang programa mula sa magkakaibang TV network.
"Ang hirap ng buhay ngayon. Gusto ko lahat may trabaho. Kaya nga palagi kong sinasabi, di ba, live and let live.
"Yung maraming noontime shows, maraming trabaho sa showbiz, siguro good vibes na lang tayo, spread love.
"Pagalingan na lang and let the televiewers decide kung ano ang gusto nila."
Dagdag pa niya, "I think, more than anything, if we really love our industry, we should support each other while we compete.
"Maging happy na lang tayo. May show kayo. May show kami. Everybody is doing their thing in showbiz.
"Just be grateful about it. Kasi, there was a time, ang industry natin is at the brick of collapse."
Bukod sa daily noontime show, kasama rin si Isko sa GMA-7 prime-time series na Black Rider.
Patuloy rin si Isko sa pag-aaring Scott Media, ang multimedia company na namamahala sa online shows na "Iskovery," "Real Talk," at "Marites University."
Pinamamahalaan ito ni Patrick Ditan, anak ng misis ni Isko na si Diana Ditan.
"I’m proud of Patrick. I’m proud of my sons and daughters, they’re managing it. It’s doing good and I hope, they’ll do more better in the coming months."
Read: Ratings ng noontime shows bumaba sa pagpasok ng 2024
NO TO POLITICS?
Sa huli, tinanong namin si Isko kung wala na siyang planong bumalik sa pulitika.
Kasama si Isko sa tatlong variety show hosts na lumilitaw ang mga pangalan sa resulta ng bagong survey ng Pulse Asia Research at ng OCTA Research group sa senatorial preferences sa eleksyong magaganap sa Mayo 2025.
Ang pangalan niya ay hindi nawawala sa mga posibleng tumakbo muli.
"Retired," natawang sabi ni Isko patungkol sa pulitika.
"Salamat sa mga kababayan natin. I’m happy. Malayo yan sa isipan ko.
"I’m just grateful that the people are appreciative of what we have done as a result of our leadership, happy na ako dun.
"I’m humbled. I’m grateful to the Filipino people."
