Celebrity friends of respected showbiz writer Mario Bautista
by Rommel R. Llanes Sa huling gabi ng burol para sa mga labi ng respetadong entertainment writer at film critic na si Mario Bautista, nagkaroon ng programa para makapagbigay ng tribute at mag-alay ng mga awitin ang kanyang mga mahal sa buhay at mga kaibigan.
Read: Veteran showbiz writer at film critic Mario Bautista, pumanaw na
Hosted by Ali Sotto, kabilang sa celebrity friends ni Mario na nag-perform ay sina Martin Nievera, Pops Fernandez, Dulce, at Ricky Davao.
Unang nag-perform si Pops with her rendition of Jim Photoglo's 1993 hit "Will Of The Wind."
Matapos ang patotoo at pagkukuwento ng mga kapatid ni Mario, sumunod na naghandog ng awitin para sa pamilya niya at mga nakikidalamhati si Dulce, awit ang 1975 hit song ng Canadian singer na si Paul Anka, ang "Time of Your Life."
Nakakamangha ang range ng boses ni Dulce na halos hindi na kailangang gumamit ng mikropono para kumanta.
Aminadong ninenerbyos man, naghandog na rin ng awitin si Ricky, habang spinner niya o taga-akumpanya ng musika ang original singer ng kakantahin niyang "Ikaw Lang Ang Mamahalin" na si Martin Nievera.
Sinundan ang performance ni Ricky ng umalalay sa kanya na si Martin.
Nagkuwento muna ito kung paano sila naging magkaibigan ni Mario, bago inawit ang Les Misérables classic na "I Dreamed A Dream."
Iba raw sana ang aawitin ni Martin, pero nang malamang mahilig sa Broadway at West End musicals si Mario, agad niyang naisip na kantahin ang awiting natoka rin noon kay Lea Salonga nang gumanap itong Fantine sa Broadway production ng Les Misérables nung 2006.
Nag-follow-up song si Martin ng Nat King Cole 1954 classic na "Smile."
Naghandog uli ng tribute at mga kuwento tungkol kay Mario ang ilan pang kaibigan niya at nag-perform din ang newbie singer-actor na si Arman Ferrer, bago nag-encore si Dulce.
Para sa huling performance nang programa, inawit ng ni Dulce ang "Minsan Ang Minahal Ay Ako" na pinasikat ni Celeste Legaspi nung 1996 at komposisyon ng National Artist for Music na si Maestro Ryan Cayabyab.
Ngayong araw, January 19, 2024, sa mismong ika-78 birthday ng namayapang si Mario Bautista ang inurment niya.
Videos & Edit: Rommel R. Llanes
Subscribe to our YouTube channel! https://www.youtube.com/@pep_tv
Know the latest in showbiz at http://www.pep.ph
Follow us!
Instagram: https://www.instagram.com/pepalerts/
Facebook: https://www.facebook.com/PEPalerts
Twitter: https://twitter.com/pepalerts
Visit our DailyMotion channel! https://www.dailymotion.com/PEPalerts
Join us on Viber: https://bit.ly/PEPonViber
Watch us on Kumu: pep.ph





