PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Kim de Leon says no rivalry issue with Allen Ansay

"Sobrang dalang na i-compare ko ang sarili ko sa iba."
by Ruel J. Mendoza
Published Jan 21, 2024
Kim de Leon
Kim de Leon on StarStruck Season 7 batchmate Allen Ansay: "Noong StarStruck days namin, never kaming nagkaroon ng problema. Kahit na nag-compete kami sa isa't isa noon, nandoon pa rin yung bond namin as brothers. Kaya walang inggitan. Sinusuportahan ko po ang loveteam nila ni Sofia."
PHOTO/S: @kimmdeleon_ Instagram

Kahit na si Kim de Leon ang tinanghal na Ultimate Male Survivor sa StarStruck Season 7 noong 2020, ang kanyang runner-up or First Prince na si Allen Ansay ang mas maraming projects at endorsements.

Read: StarStruck 7 winners Shayne Sava at Kim de Leon, masaya sa nangyayari sa kanilang career

Inamin ng 24-year old Sparkle actor na malaki ang kinalaman ng pakikipag-team up ni Allen kay Sofia Pablo at nakilala sila bilang Team Jolly noong kasagsagan ng pandemya.

Pero hindi raw inggit ang nararamdaman ni Kim para kay Allen kundi masaya siya sa nangyayari sa career nito ngayon.

"Happy po ako para kay Allen. Nagkakausap pa rin kami kapag nagkikita kami sa GMA or tuwing rehearsals for All-Out Sundays.

"Noong StarStruck days namin, never kaming nagkaroon ng problema. Kahit na nag-compete kami sa isa't isa noon, nandoon pa rin yung bond namin as brothers.

"Kaya walang inggitan. Sinusuportahan ko po ang loveteam nila ni Sofia," saad ni Kim.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Nakapanay si Kim sa mediacon ng GMA Prime teleserye na Asawa Ng Asawa Ko sa Harolds Evotel noong January 9, 2024.

Sinubukan naman daw ni Kim na makipag-loveteam noon kay Lexi Gonzales at nakagawa naman sila ng ilang TV shows tulad ng My Fantastic Pag-ibig at Love You Stranger.

"Pero aminado si Kim na hindi nag-work ang team-up nila, lalo na't alam ng marami na boyfriend ni Lexi ay ang Kapuso actor na si Gil Cuerva.

"Nag-try po kami ni Lexi noon na maging loveteam pero hindi talaga nag-work.

"That time kasi meron akong girlfriend, tapos si Lexi meron din noon. So nakaapekto po iyon sa dapat na tandem namin.

"But we were both professional sa binigay na trabaho sa amin. Hindi lang talaga nag-work.

"Fault din namin siguro dahil hindi namin masyadong trinabaho or binigyan ng effort 'yung team-up namin.

"Pero okey naman si Lexi sa career niya kahit walang loveteam, at okey din po ako."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Naniniwala si Kim na may tamang panahon ang bawat tao. May kanya-kanyang suwerte raw tayo at darating daw iyon kapag ready ka na.

"As an actor, parati ko pong iniisip kung ano ang magandang direksyon sa career natin. Sobrang dalang na i-compare ko ang sarili ko sa iba.

"Ang lagi kong kalaban ay yung sarili ko. Parati ko pong pinu-push yung sarili ko to improve lalo na kapag dumating na yung tamang project para sa akin.

"Ako naman, I'm still waiting but I am continually improving on myself kapag dumating na yung tamang role, ready po tayo."

Read: Allen Ansay, in M.U. relationship with Sofia Pablo?: "Parang ganun."

ON HIS MENTOR

Dumating na nga raw ang magandang opportunity kay Kim na makatrabaho ang award-winning actress-director na si Ms. Laurice Guillen.

"Naka-work ko na po si Direk Laurice before as a co-actor sa teleserye na Unbreak My Heart. May guest role ako roon at may eksena kami.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

"Noong malaman ko na magiging director namin si Direk Laurice sa Asawa Ng Asawa Ko, siyempre nandun po yung takot, pero I'm excited to work with her.

"Alam kong marami akong matutunan sa kanya bilang aktor. May nagsabi nga na kapag nadirek ka ni Direk Laurice, okey ka na," ngiti pa ni Kim.

Nagkuwento si Kim kung paano ang makipagtrabaho sa isang veteran director tulad ni Direk Laurice na nakilala sa kanyang mga pelikula na Salome, Init Sa Magdamag, Kasal?, Ipagpatawad Mo, American Adobo, Santa-Santita at Tanging Yaman.

"Minsan po si Direk Laurice, hahayaan ka niya na gawin yung eksena. Pero may time naman din na ididirek ka niya sa kung ano 'yung dapat na makita niyang gawin mo sa eksena.

"Mas gusto ko po yung gano'n si Direk Laurice sa akin. Para kasing mas nakakatakot 'yung hindi ka niya pagsasabihan or kakausapin.

"Kesa sa hindi mo alam kung tama ba o mali yung ginawa mo, mabuti na po 'yung may masasabi si Direk Laurice."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Ginagampanan ni Kim sa Asawa Ng Asawa Ko ay si Kuwago, isang loyal na miyembro ng kilusan na kung tawagin ay Kalasag. Ang grupo nila ang kumidnap kay Cristy (Jasmine Curtis-Smith) dahil sa utos ni Shaira (Liezel Lopez) para mapasakanya ang mister ni Cristy na si Jordan.

Nag-training daw si Kim kasama ang ilang cast members kung paano ang tamang paghawak ng baril.

"Nag-training po kami sa gun-handling. Basic knowledge lang para alam namin ang maayos na paghawak ng baril. Inalam namin yung proper way to pull the trigger, yung stance kapag hawak mo 'yung firearm.

"Actually nakaka-excite. May adrenaline rush kapag pinuputok mo na yung hawak mong baril. Gusto ko talaga ang action. Yung may barilan, suntukan. Kaya thankful ako na napasama ako sa teleserye na ito."

Read: Sofia Pablo, Allen Ansay reveal travel wish list, must-haves

ON BEING SINGLE

Wala raw girlfriend ngayon si Kim dahil mas gusto raw niyang tumutok ng husto sa kanyang career.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"Wala po tayong girlfriend ngayon. Yung last relationship ko kasi medyo matagal siya. Hindi ko pa kayang mag-commit kaya naghiwalay kami.

"Gustong ko rin pong mag-focus sa sarili ko at sa trabaho. Gusto ko ring ma-feel na maging single muna."

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Kim de Leon on StarStruck Season 7 batchmate Allen Ansay: "Noong StarStruck days namin, never kaming nagkaroon ng problema. Kahit na nag-compete kami sa isa't isa noon, nandoon pa rin yung bond namin as brothers. Kaya walang inggitan. Sinusuportahan ko po ang loveteam nila ni Sofia."
PHOTO/S: @kimmdeleon_ Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results