PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Kim Chiu Opens Up on Finding Love Post-Xian Lim Split

Kim: "Hinahanap ko si the one!"
by Khryzztine Joy Baylon
Published Jan 23, 2024
Kim Chiu gets candid about finding the one
Kim Chiu in no rush to enter into new relationship: "Hinahanap ko siya pero huwag muna sana ngayon kasi busy ako."
PHOTO/S: Dreamscape Entertainment Facebook

Time first muna ang Kapamilya actress na si Kim Chiu sa paghahanap ng bagong pag-ibig.

Ito'y matapos magwakas ang labindalawang taong relasyon nila ni Xian Lim.

Noong December 23, 2023, magkasunod na nag-post sa social media sina Kim at Xian para kumpirmahin sa publiko na break na sila.

Read:

Ngunit bago ang kanilang pag-amin, ilang buwan ding usap-usapan ang estado ng kanilang relasyon matapos mapansin ng KimXi supporters na madalas na silang hindi nagkakasama.

Read: Kim Chiu and Xian Lim: A Relationship Timeline

Sa ekslusibong panayam ng ABS-CBN kay Kim nitong Lunes, January 23, 2024, saktong isang buwan matapos nilang aminin ni Xian sa publiko na hiwalay na sila, natanong si Kim tungkol sa sunud-sunod na proyekto at tagumpay sa kanyang showbiz career.

Read: Mag-ex na sina Kim Chiu at Xian Lim magtatapat sa prime time

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Tanong sa kanya ng TV Patrol entertainment reporter na si Ganiel Krishnan, "Lahat ng kinds of achievement you have it already, lahat ng projects nakukuha mo. You are very good at dancing, singing. Siguro ang tanong na lang ng mga tao, ano pa ba ang hinahanap ng isang Kim Chiu?"

Natatawang sagot ni Kim, "Hinahanap ko si the one! Charot!"

Read: Looking back: KimXi in hit movies and series

Pagtatapat ni Kim, hindi naman nawawala ang pag-asa niyang matatagpuan din niya ang tunay na pag-ibig, ngunit sa ngayon ay masyado pa raw siyang busy sa kanyang career.

Hindi rin daw ito ang kanyang priority, kaya habang wala pa ay ie-enjoy muna niya ang pagiging single.

Pahayag ng Linlang star, "Hinahanap ko siya pero huwag muna sana ngayon kasi busy ako.

"Soon siguro, mag-merienda muna siya.

"Let’s take it day by day and enjoy and live for the moment and just chill have fun."

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

XIAN: "in life, everything happens for a reason."

Samantala, noong January 8, nakausap naman ng PEP Troika si Xian, at dito natanong siya tungkol sa paniniwala niya sa second chances.

Walang binanggit na pangalan ang PEP Troika, ngunit mahihinuhang patungkol ito sa pagmamahalan nila noon ni Kim.

Ayon sa Love. Die. Repeat. leading man, naniniwala siyang ang lahat ng bagay sa buhay ay nangyayari na may dahilan.

Ani Xian, “I think, in life, everything happens for a reason. Yun lang naman po yun. Hindi man umulit o umulit man, everything’s gonna happen for a reason.

“Lahat nga po na mga pangyayari sa buhay, e, it happens for a reason. So, we just have to move forward kung ano man po yun.

“Dapat naman talaga okay. We just got to work. People working.

"Yun naman yung gusto natin, work on yourself and just keep on doing different things, doing different projects, keeping busy.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Read: Xian Lim hinarap ang mga tanong tungkol sa breakup nila ni Kim Chiu

Habang isinusulat ang artikulong ito ay wala pang isinasapublikong dahilan ang dating magkasintahang Kim at Xian kung bakit sila naghiwalay.

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Kim Chiu in no rush to enter into new relationship: "Hinahanap ko siya pero huwag muna sana ngayon kasi busy ako."
PHOTO/S: Dreamscape Entertainment Facebook
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results