Usap-usapan ngayon sa social media ang latest Instagram post ng Kapuso actress-fashion icon na si Heart Evangelista.
Ito'y matapos niyang i-post ang isang libro na nakalagay sa kanyang luxury bag.
Ang libro ay may titulong Don’t Give the Enemy a Seat at Your Table, na isinulat ng American pastor-writer na si Louie Giglio.
Kalakip nito ang makahulugang caption ni Heart: "Not Today [no-entry sign emoji]."
Ang post na ito ay nagdulot ng palaisipan sa netizens.
May ilang netizens ang iniugnay ito sa kontrobersiyal na pagharang sa glam team ngayon ni Miss Universe 2015 Pia Wurtzbach sa Ninoy Aquino International Airport—sina Justin Soriano at Jeck Aguilar, na dating glam team ni Heart.
Read: IN PHOTOS: Heart Evangelista and glam team's happy moments prior to falling-out
Nakatakda sanang lumipad patungong Dubai sina Justin at Jeck noong January 22, 2024, pero hindi sila pinayagang mag-board sa flight nila sa Philippine Airlines.
Sa comments section ng IG post ni Heart ay bumuhos ang komento mula sa mga netizen na kinonekta ang makahulagang post ng aktres sa nangyari sa dati niyang glam team.
Komento ng isang netizen (published as is), "Pano makakaseat, eh di nga nakasakay ng eroplano. Hahahaha. Go go heart!!!"
Saad ng isa, "From business class to miles points [laughing in tears emoji]."
Sabi pa ng isa, "KAHIT SA AIRPLANE DAW WALA SILANG SEAT HAHAHA KIMMMY."
"Wala tuloy sila sa window seat di pinayagan mag flight. Charot," hirit pa ng isa.
Wala mang pangalang binanggit ang netizens, mahihinuha na ang pinapatungkulan nila ay sina Justin at Jeck, lalo na't si Heart ang unang pinagsuspetsahan ng publiko na may kinalaman sa hindi pagpapalipad sa dalawa.
May ilang alegasyon kasing lumabas na may kasong isinampa si Heart kay Justin at Jeck, kaugnay sa umano'y "money" at "credit card issue" nila noon pang July 2023.
Mabilis naman itong nilinaw ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) nang eksklusibong makausap ni Karen AP Caliwara, executive editor ng PEP.ph, noong Martes ng gabi, January 23, ang tatlong source mula sa circle nina Justin at Jeck.
Dito klinaro nilang walang hold departure order ang anumang korte sa Pilipinas laban kina Justin at Jeck.
Ang hold departure order, ayon sa elibrary.judiciary.gov.ph, ay iniisyu ng korte sa isang taong nahaharap sa "criminal cases."
Ayon sa sources ng PEP.ph, wala raw alam na kinakaharap na kaso ang dalawa.
"Definitely wala pong hold departure order," sabi ng isang source ng PEP.ph.
Read: WHAT PEP KNOWS: Pia Wurtzbach glam team "no hold departure order"; bumped off from two flights
