PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Kelvin Miranda addresses “brilyante ng tubig” viral photo

Kelvin Miranda on viral photos: "Hindi ako comfortable sa nangyari."
by Arniel C. Serato
Published Jan 26, 2024
Kelvin Miranda reacts to viral photos in Antique
Kelvin Miranda on viral photos taken last December in Antique: "Sa akin po kasi, parang nung napag-usapan naman yun, parang hindi ako naging proud sa sarili mo. Uncomfortable ako sa feelings ko. Hindi na siya dapat tinatalakay.”
PHOTO/S: Arniel Serato / GMA Regional TV on Facebook

Nag-viral sa Facebook ang larawan ni Kelvin Miranda na kuha ng GMA Regional TV sa Antique noong December 2023.

Nag-guest si Kelvin sa Lin-ay Kang Antique 2023 (Miss Antique 2023) kung saan hapit na hapit ang pantalong suot ng Kapuso actor.

Kelvin Miranda viral photo

Pinagkaguluhan ng netizens ang mga nasabong larawan dahil kapansin-pansin ang bakat ng kanyang hinaharap.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Kelvin Miranda viral photo

Pinagkatuwaan ito ng netizens at tinawag na "brilyante ng tubig" na tumutukoy sa kanyang nalalapit na role sa Sang’gre.

Kelvin Miranda viral photo

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Ngayong Biyernes ng hapon, January 25, 2024, nakausap ng isang social media staff ng GMA Regional TV at ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Kelvin sa presscon ng Walang Matigas na Pulis sa Matinik na Misis Season 2.

Ginanap ang presscon sa Seda Hotel, Vertis North, Quezon City.

Dito ay inusisa namin si Kelvin tungkol sa nasabing viral photo niya.

Pahayag ng Kapuso actor, “Sa totoo lang po, unaware po ako dun sa larawan.

“Kasi meron po akong kausap na stylist at designer para sa isusuot ko sa event.

“Medyo hindi ako naging comportable, pero since siya yung nadala ko that night, kasi siya yung nababagay sa tema ng paligsahan o ng isang beauty pageant, siya na yung napili ko.

“Though kasya naman siya, kaya lang yung naging problem is, nung nagtanggal ako ng pantaas, nung coat, at puwera yung vest, hindi ko siya inaasahan, and at the same time, masikip talaga yung pantalon.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

“Hindi ako comfortable sa nangyari, pero hindi ko alam kung ano magiging reaction ko talaga.

“Tapos parang pagdating ko sa hotel, naisip namin na mag-stay.

“May nagta-tag sa akin ng mga ilan, so hindi ko masyado pinapansin.

"Kasi nandun pa ako sa moment na kakatapos ko lang mag-perform, nagkukuwentuhan pa kami ng manager ko, mga kasama ko, mga handlers, mga co-artists na kasama ko din sa regional TV.

“So kinabukasan, yung pag-uwi namin ng Manila, doon ko na nakita, pati yung mga friends ko, tina-tag na ako sa kumakalat na photo.

“So, hindi ko alam na ganun talaga yung nangyari, so wala ako masabi.

“Hindi ko alam kung ano magiging reaction ko.

"Ma-feel good ba ako? Hindi ko alam kasi hindi sobrang…

“I swear to God, hindi ko alam kung ano.”

Duda ng ilan ay may inilagay siyang labakara para magmukhang malaki ang kanilang hinaharap.

Hindi raw alam ni Kelvin kung ano ang labakara kaya ipinaliwanag naming ito ay bimpo na isinusuot ng male sexy stars, partikular noong '80s at '90s, sa kanilang brief para magmukhang malaki ang kanilang hinaharap sa mga pictorial o eksena sa pelikula.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Tugon niya, “Wala. Hindi ko alam. Hindi talaga ako aware.”

Sabi naman ng ilang netizens, parang meron diumanong "paa ng bata."

Natatawang sagot ni Kelvin, “Siguro po sa anggulo lang ng camera o sa ilaw.

“Since masikip din po yung pantalon ko, hindi po talaga ako nagpi-fitted na pantalon.”

Hindi siya proud sa sarili niya noon?

Aniya, “Parang medyo, kung sa akin po, kasi medyo uncomfortable.

“Kasi hindi naman po usapin kung lalaki o babae o anong kalagayan ng gender mo.

“Sa akin po kasi, parang nung napag-usapan naman yun, parang hindi ako naging proud sa sarili mo.

“Uncomfortable ako sa feelings ko. Hindi na siya dapat tinatalakay.”

Samantala, masaya si Kelvin na nakasama siya sa Season 2 ng Walang Matigas na Pulis sa Matinik na Misis.

Mapapanood na ito sa GMA simula sa February 4, 2024, 7 p.m.

HOT STORIES

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Kelvin Miranda on viral photos taken last December in Antique: "Sa akin po kasi, parang nung napag-usapan naman yun, parang hindi ako naging proud sa sarili mo. Uncomfortable ako sa feelings ko. Hindi na siya dapat tinatalakay.”
PHOTO/S: Arniel Serato / GMA Regional TV on Facebook
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results