PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

K Miranda on ""Lalakeng Artistang Nabooking""

Kelvin: "Feeling ko naman hindi galit yon si Direk Darryl Yap sa akin."
by Khryzztine Joy Baylon
Published Nov 29, 2023
Kelvin Miranda reacts to Darryl Yap's blind item
Kelvin Miranda (left) addresses Darryl Yap’s (right) blind item on Facebook: "Feeling ko naman, hindi galit yon si Direk Darryl Yap sa akin. Hindi naman siya nag-name drop o nagbigay ng ano… kung ano lang yung binigay niya. Yung mga tao talaga yung nagbigay ng pangalan ko."
PHOTO/S: Darryl Yap Facebook/GMA News

Usap-usapan ngayon sa social media ang pag-react ng Kapuso actor na si Kelvin Miranda sa blind-item post ng direktor na si Darryl Yap.

Noong November 26, 2023, nag-post si Darryl sa kanyang Facebook ng blilnd item tungkol sa isang lalaking artista na na-booking diumano ng isang international singer sa halagang PHP1 million per night.

Ang "booking" ay ang terminong ginagamit kapag may transaksiyon sa isang usapang one-night stand na may kapalit na halaga.

Mababasa sa Facebook post ni Darryl (published as is), "Basta, may alam akong lalakeng artista na nabooking ng international singer na pumunta dito sa bansa kamakailan lang.

"nagcheck-in sila. 2 nights. parang 1M per night.

"pero malay naman natin kung ano’ng ginawa nila, baka nagkantahan lang sila ng “unholy”."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Wala mang sinabing pangalan si Darryl tungkol sa pagkakakilanlan ng international singer, marami sa mga netizen ang naghinala na ang English singer-songwriter na si Sam Smith ito.

Tumutugma kasi ang post ni Darryl sa kanta ni Sam na "Unholy" at ang pagbisita nito sa Pilipinas noong October 21 para sa kanyang Gloria the Tour concert.

"Unholy" rin ang titulo ng isang hit song ni Sam.

Bukod sa unang post ni Darryl, nagbigay rin siya ng ibang clues sa pagkakakilanlan ng umano'y na-booking na artistang lalaki.

Aniya, "CLUE SA NABOOKING NG INTERNATIONAL SINGER: may kaapelyidong singer.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"Next Clue: Hindi sya Kapamilya.

"LAST CLUE: kapag nacompute mo sa “FLAMES” ang pangalan ni INTERNATIONAL SINGER at HINDI KAPAMILYA ACTOR, “E” ang lalabas… E as in EKEDE, EKEDE MENELE."

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Dahil dito, marami sa mga netizen ang naglabas ng kani-kanilang hula kung sinong aktor ang tinutukoy ni Darryl sa kanyang Facebook post.

Isa sa mga pangalang lumutang ay si Kelvin Miranda.

Mariin naman itong inalmahan ng Kapuso actor na isa sa bibida sa much-anticipated sequel ng iconic na Encantadia, ang Encantadia Chronicles: Sang'gre, ng GMA-7.

Read: Faith Da Silva, Angel Guardian, Kelvin Miranda join Bianca Umali in Encantadia Chronicles: Sang'gre

Noong November 28, nag-live sa Facebook si Kelvin para itanggi ang akusasyong nagdidiin sa kanya.

Bahagi ng kanyang pahayag: "Kanya-kanya naman yan.

"Nirerespeto ko naman lahat ng ano kung papaanong tinatanggap ng mga tao yung mga ganyang bagay.

"Feeling ko naman, hindi galit yon si Direk Darryl Yap sa akin.

"Hindi naman siya nag-name drop o nagbigay ng ano… kung ano lang yung binigay niya.

"Yung mga tao talaga yung nagbigay ng pangalan ko. Hindi ko naman sila kilala, di ba?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"Hindi rin naman nila ako kilala."

Read: LA Santos on what he thinks of Kelvin Miranda: "Di siya gentleman."

Samantala, habang isinusulat ang artikulong ito ay wala pang inilalabas na pahayag si Darryl tungkol sa pagsagot at pag-react sa kanya ni Kelvin.

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Kelvin Miranda (left) addresses Darryl Yap’s (right) blind item on Facebook: "Feeling ko naman, hindi galit yon si Direk Darryl Yap sa akin. Hindi naman siya nag-name drop o nagbigay ng ano… kung ano lang yung binigay niya. Yung mga tao talaga yung nagbigay ng pangalan ko."
PHOTO/S: Darryl Yap Facebook/GMA News
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results