PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Janno Gibbs details deleted "goodbye" note of dad Ronaldo Valdez

Janno on dad's last note: “I took it down because it was morbid."
by Bernie V. Franco
Published Jan 27, 2024
Janno Gibbs and father Ronaldo Valdez
Actor-singer Janno Gibbs discloses the content of his dad Ronaldo Valdez's "goodbye" note before he passed away.
PHOTO/S: YouTube (Karen Davila)

TRIGGER WARNING: Mention of self-harm

Ibinunyag ni Janno Gibbs kung ano ang nilalaman ng video na ipinost ng kanyang yumaong amang si Ronaldo Valdez bago siya pumanaw.

Si Ronaldo ay pumanaw noong December 17, 2023. Siya ay 77 anyos.

Ayon sa Quezon City Police District, natagpuan si Ronaldo sa kanyang kuwarto.

May tama ng baril sa kanyang kanang sentido at hawak pa niya ang baril sa kanyang kanang kamay.

Read: Veteran actor Ronaldo Valdez dies at 77

Noong January 16, 2024, lumabas sa artikulong isinulat dito sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) na nag-iwan ng “note” ang batikang aktor bago siya bawian ng buhay, ayon kay Janno.

Ang “note” niyang ito ay nai-post pa niya sa Facebook, ang sabi ni Janno.

Read: Janno Gibbs reveals late dad Ronaldo Valdez left a note before his death

Sa recent interview kay Janno ni Karen Davila, nagbigay ng mas klarong detalye ang singer-comedian tungkol sa iniwang “note” ng ama bago ito pumanaw.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Ang note na ito ay isang Facebook post. Nauna nang sinabi ni Janno na tinanggal niya ang post dahil sa maselang nilalaman nito.

Idinetalye ni Janno ang nilalaman ng post ng ama sa YouTube interview ni Karen nitong January 25.

Lahad ni Janno, hindi nila agad nalaman at nakita ang post na ginawa ng kanyang tatay.

“We learned [about it] after the hospital, after he passed na. We learned he posted in Facebook,” sabi ng singer-actor.

“I took it down because it was morbid—'Life is not fun anymore. Goodbye,’ ganon. Meron siyang ganon.”

Tinanong si Janno kung hindi ba nila nakitang may ganoong pakiramdam na pala ang kanyang ama.

“We didn’t see that,” sagot niya.

Pagpapatuloy ni Janno, “When I got hold of his phone, I deleted it kasi hindi maganda. Hindi maganda.”

Read: Ronaldo Valdez's talent manager posts last snaps with veteran actor taken two days before his death

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

WHAT MAY HAVE TRIGGERED THE LATE ACTOR

Binanggit ni Janno na nakatakda sanang magpa-opera ang kanyang ama.

Nahihirapan daw kasi itong maglakad dahil posibleng may naipit na ugat sa cervical area nito.

Nagsimula raw maapektuhan ang kanyang paglalakad noong ginagawa niya ang ABS-CBN teleseryeng 2 Good 2 Be True (2022) kasama sina Kathryn Bernardo at Daniel Padilla.

Read: Kathryn Bernardo, nag-iisang di kaanak na pinayagang makita si Ronaldo Valdez sa kabaong

“He was up for surgery after the holidays. Ipit… right leg, no pain, just getting harder and harder to move,” sabi ni Janno.

“Ano ang nakapagpa-depress sa kanya?” usisa ni Karen kay Janno.

Sagot ng aktor, “Days before it happened [death] parang it was even getting worse.

“Kasi my dad loved to make pasyal with me, with his friends, even with my mom before.”

Noong mga panahong iyon daw ay tumatanggi na si Ronaldo kapag niyayaya siyang lumabas dahil nahihirapan itong maglakad.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Siguro it was getting worse, parang hindi na niya ma-enjoy. Hindi siya yung type na would sit still and stay home," saad ni Janno.

Read: Janno Gibbs di na magsasampa ng kaso kaugnay ng leaked video ng amang si Ronaldo Valdez

JANNO WAS IN THE SAME HOUSE WHEN IT HAPPENED

Sinabi rin ni Janno na kasama niya sa bahay ang ama nang mangyari ang insidente.

“I was there. I was in the next room. I think he even made sure I was sleeping,” lahad niya.

“He knocked on my door. I was sleeping. I was taking a nap… hapon, afternoon…

Tanong daw ng ama sa kanya “’O, di ba tuloy yung lakad mo?’ Sabi ko, ‘Tuloy, kaya lang wala pa yung car.’”

Tumango lang daw ang ama.

“Sabi ko, ‘Idlip muna ako.’ So, I think he made sure I was sleeping.”

Pagbabahagi ni Janno, nasa tabi siya ng ama nang malagutan ito ng hininga. Kaya wala raw siyang pagsisisi o “what ifs” dahil nagawa niya ang dapat niyang gawin bilang anak.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Sabi pa ni Janno, “He knows he was loved not just by me, by his co-actors, si Kathryn [Bernardo] loved him so much. They loved each other so much. His grandkids loved him so much because nga he was not the typical father. He was very sweet for a guy.”

HOT STORIES

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Actor-singer Janno Gibbs discloses the content of his dad Ronaldo Valdez's "goodbye" note before he passed away.
PHOTO/S: YouTube (Karen Davila)
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results