Balik-Pilipinas na ang aktor na si Tom Rodriguez!
Batay ito sa Instagram post ng kanyang manager na si Popoy Caritativo.
“Hello, Tom!” simpleng caption ng manager sa picture kasama ang talent na si Tom.
Kuha ang larawan sa Mandaluyong Metro Manila, batay sa checkin ng IG post ni Popoy ngayong gabi ng Sabado, January 27, 2024.
Wala nang iba pang detalyeng ibinigay ang manager sa kanyang IG post.
Kapansin-pansin na naka-deactivate ang IG account ni Tom.
Sunud-sunod naman ang pagbati kay Tom sa kanyang pagbabalik sa Pilipinas.
Kabilang sa mga nagkomento ay sina Coney Reyes at Franco Laurel.
"Welcome home," komento ng ilan sa mga nagkomento.
March 2022 nang lumipad papuntang Arizona, USA ni Tom, kasunod ng paghihiwalay nila ng dating asawang si Carla Abellana.
Read:
- Tom Rodriguez assures fans he's "okay" months after split with estranged wife Carla Abellana
- Tom Rodriguez, hindi pa handa bumalik sa Pinas matapos ang split nila ni Carla Abellana
- Tom Rodriguez’s wish on 35th birthday: “Gusto kong buuin yung sarili ko.”
Nagpahinga muna roon si Tom at kalaunan ay rumaraket kapag naiimbitahan para maging guest o kaya ay mag-perform sa mga shows doon.
Ang pinakahuling proyektong ginawa ni Tom sa telebisyon ay ang The World Between Us sa Kapuso network noong 2021-2022.
Kasama niya rito sina Alden Richards at Jasmine Curtis-Smith.
