PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Former bold star Lala Montelibano tells story of Ara Mina helping her

Lala Montelibano calls Ara Mina "My very good amo.”
by Arniel C. Serato
Published Jan 29, 2024
Ara Mina cries that Lala Montelibano finished her nursing course
Actress Ara Mina (left) reunites with former sexy star Lala Montelibano (right): "Masyadong ano, blessed na blessed ako nung dumating siya sa buhay ko. Grabe, isang Ara Mina, magtiwala sa yo?”
PHOTO/S: Courtesy: Julius Babao UNPLUGGED on YouTube

Isa na namang dating artista ang lumutang at nagsabing natulungan siya noon ng aktres na si Ara Mina.

Sa vlog ng TV5 news anchor na si Julius Babao na lumabas noong January 25, 2024, nasilayan muli ng publiko ang '80s bold star na si Lala Montelibano.

Ara Mina, Julius Babao, Lala Montelibano

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Dito ay nagkuwento si Lala kung paano siya tinulungan ni Ara noong walang-wala siya.

Niyakap kaagad ni Lala si Ara nang magkita sila sa taping ni Ara para sa show nitong Magandang ARAw sa Net25.

Deklarasyon pa ni Lala nang niyakap niya si Ara, “My very good amo.”

Ayon kay Lala, nagkakilala sila sa taping ng kanyang true-to-life story na isinadula sa defunct drama anthology ng TV5 na Star Confessions. Si Ara ang gumanap bilang Lala.

Lahad ng dating sexy star, “Taping ng true to life ko. Ginusto niya akong ma-meet, siyempre bilang ginampanan niya yung life ko.

“Tapos, magaan ang loob niya sa akin, biglang, ‘Ano na ang buhay mo?’ sabi niyang ganun.

“Sabi ko, ‘Wala po akong trabaho.’ Kinuha niya ako.

“Nagtiwala siya sa taong di naman niya kilala. Ganon siya…

“Binigyan niya ako ng tirahan, pati unan. Dinala niya lahat.

“Ultimo unan, higaan, tirahan, siya nagbigay sa akin.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Yung time na yun, nandun ako sa may fountain ng Taguig.”

Ang tinutukoy ni Lala na "fountain ng Taguig" ay ang malaking water fountain sa harap ng Market Market Mall, sa BGC, Taguig.

Dagdag pa niya, “Five pesos na lang pera ko noon. Wala akong pera na ano.

“Tapos ang ginawa ko, yung fountain, gusto ko na inumin yung tubig doon.

“Dahil ang mahal pala ng tubig doon. Wala akong pambili."

Galing umano si Lala sa isang job interview bilang pharmacy assistant ngunit hindi siya natanggap.

Aniya, “Nagpa-interview ako. Hindi ako nakakapasa.”

Habang nagmumuni-muni siya ay may isang estrangehero raw na lumapit at nagbigay sa kanya ng isang libong piso.

“Tapos mayroong lumapit na mabait na binigyan ako ng PHP1,000.

“Sabi ko, ‘Hala, bakit po?’ Sabi niya, ‘Isipin mo na lang, binigay sa yo ni Lord at meron pang darating.'

“Tapos si Miss A, nag-o-offer sa akin. So, parang, ‘Hala, sabi ko, ang bait naman ng babaeng ito.'

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

“May tirahan, lahat. May kama, lahat. Everything. Kalan, lulutuan ko.”

Tanong ni Julius kay Ara, “May patirahan pa, may trabaho na. Bakit mo naman naisip na i-offer sa kanya yun?”

Tugon ni Ara, “E, kasi, di ba, siyempre dati siyang artista.

“Tapos ngayon, na nalaman mo na inaano ko [gagampanan] yung buhay niya.

“Sabi nga niya, yung tubig [sa fountain].

“So, parang, nakakaano nga na parang, makikita mo siya sa kalye, tapos walang trabaho.

“Hindi daw siya makauwi sa Davao. Pero gusto niya munang mag-work dito.

“Kasi pagkatanda ko, gusto niya munang magtrabaho bago siya umuwi.

“Para kahit papano may ipon. Kasi nandun yung mga anak niya.”

lala montelibano movie

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

LALA AS ARA'S SALESLADY

Anong trabaho ba ang ipinagkatiwala ni Ara kay Lala?

Ayon sa actress-entrepreneur, “Tinanong ko muna sa kanya kung okay sa kanya.

“Kasi yun lang yung naisip ko dahil nangangailangan din ako ng saleslady. Yung para sa products ko.”

Mula noon ay si Lala na raw ang tumao sa isang kiosk ng Ara’s Secret, ang beauty products ni Ara, sa isang mall.

Kumita naman daw si Lala mula sa kanyang mga naging suweldo.

Aniya, “Opo, nakaipon naman po.”

Dagdag pa niya, “Masyadong ano, blessed na blessed ako nung dumating siya sa buhay ko.

“Grabe, isang Ara Mina, magtiwala sa yo?”

Hindi masyadong alam ng publiko ang pagtulong na ginawa noon ni Ara kay Lala.

Katulad na lang ng pagtulong din ni Ara sa dating akres na si Deborah Sun noon.

Sa loob daw ng pitong taon ay pinatira nang libre ni Ara si Deborah at ang kanyang mga anak sa kanyang condo unit sa Quezon City.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Read: Ara Mina on Deborah Sun: "Isa siya sa masarap na tulungan na tao."

Sabi pa ni Lala kay Ara, “Hindi siya mayabang na tao.”

Natatawang sabat ni Ara patungkol kay Julius, “Dahil sa yo, lumalabas. Dahil kay Julius Babao, hinahanap mo lahat ng mga tinulungan ko.”

Gaano ba kabuting tao si Ara para kay Lala?

Saad ni Lala, “Hindi siya nag-a-announce o hindi ko nakitang magalit kahit na konti ang benta.

"Totoong kokonti ang benta, kahit na lumiit o lumaki yan.

"Hindi siya nagbago, 'Bakit ganitong benta? Ganito.' Yung ibang amo, na-try ko, talagang, 'Bakit ganyan? Ganito, ganyan. Kailangan, ganito.'"

Dagdag ni Ara na may halong biro, “Nung nawala siya, mas lalong humina ang benta ko.

"Hinahanap siya. Kaya sinara ko. Dahil sa kanya, kasalanan niya kaya nasara ko na.

"Kasi wala akong makitang ano, e, kasing tulad niya na hinahanap siya, 'Wala na yung si Lala, hinahanap namin. Hinahanap namin siya.'

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"Kasi kaibigan niya lahat, pati yung mga katabi, katabing stores.”

Wala mang physical store ay patuloy pa ring namamayagpag online ang Ara’s Secret na mabibili ang mga produkto sa kanilang website.

"I'M HAPPY"

Kasunod nito, nagpaalam si Lala na bumalik na ng Davao para sa kanyang pamilya.

Saad pa ni Lala, “Thank you kasi yung pinakita mo sa akin na kung nakaya mo lumaban, kaya mo rin pala.

"I mean, ano kasi, yung buhay ko noon na parang wala na rin. Akala ko, useless na.

"But then, there you came na parang sinasabi mo sa akin na, 'Ate, there's still chance. Huwag kang susuko.'

"Inanuhan mo ako na tinitingnan kita. Parang pag tinitingnan kita, sinasabi mo sa akin, 'Go on. May nagtitiwala pa sa yo.'

"Nagpapasalamat ako sa ganung tagpo na akala ko wala na, wala na pag-asa.

“So, ikaw, Miss A, yung naging stepping stone ko para marating yung ngayon na meron ding pagdating sa Davao, nakapagtrabaho ako sa real estate.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"Graduate na ako ng Nursing. Pero mag-ano, mag-ano, re-review ako muna.

“Review ako para maka-take ako ng board exam.”

Naiiyak na sabi ni Ara, “Naiyak ako kasi natutuwa ako kasi sabi ko [kay Julius], pahanap.

"Kasi ano na kaya nangyari sa kanya pag-uwi. Kasi hindi na siya nag-update sa akin.

"Sabi ko, "Kaya nga natin binigyan ng chance. Binigyan natin ng work. Sana naging maayos yung life.'

"Katulad kay Tita Debs, di ba, naging maayos yung life niya?

"So, I'm happy. Grabe, nakakatuwa. Grabe.

"Iyon yung gusto ko, yung tinulong mo hindi napunta sa wala, di ba, siguro yun yung purpose niya. Naiyak ako.

"Natuwa ako kasi nurse na pala siya. Grabe."

HOT STORIES

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Actress Ara Mina (left) reunites with former sexy star Lala Montelibano (right): "Masyadong ano, blessed na blessed ako nung dumating siya sa buhay ko. Grabe, isang Ara Mina, magtiwala sa yo?”
PHOTO/S: Courtesy: Julius Babao UNPLUGGED on YouTube
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results