Wolf in sheep's clothing.
Ito ang makahulugang post ng kapatid ni Dominic Roque sa gitna ng breakup ni Dominic at fiancée na si Bea Alonzo.
Read: Confirmed: Bea Alonzo and Dominic Roque break up; call off engagement
Bandang 11 a.m. ng Martes, February 6, 2024, nang i-post ng kapatid ni Dominic na si Lhean Roque ang black-and-white photo ng isang sheep na nakapatong sa isang wolf.

Hinihinalang tumutukoy ito sa idiom tungkol sa isang taong harmless ang dating tulad ng isang tupa, ngunit iyon pala ay nagbabalatkayo na isang mabangis na lobo.
Hindi maiwasang mabigyan ng kahulugan ang post ni Lhean dahil noon ding Martes naging usap-usapan sa social media ang naunang cryptic post mula sa road manager ni Bea na si Nina Ferrer.
Nag-post si Nina ng definition ng "manipulative sad boi," na tila patama kay Dominic.
Naiugnay iyon kay Dominic dahil may netizens na pumuna na mukhang "sad boy" si Dominic sa solo pictures na pinost ng binata sa Instagram account nito.
Bandang hapon ng Martes nang kumpirmahin ni Boy Abunda sa Fast Talk With Boy Abunda na hiwalay na sina Dominic at Bea.
Walang binanggit na dahilan si Boy.
Read: Bea Alonzo's road manager posts cryptic message about "manipulative sad boi"; is it Dominic Roque?
BEA ALONZO AND DOMINIC ROQUE LOVE STORY
Sina Bea at Dominic ay nagsimulang magkahulugan ng loob noong October 2019.
Nasubaybayan ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) ang pagkakamabutihan ng dalawa, sightings sa kanila sa iba-ibang okasyon, hanggang sa pagkakaroon nila ng malalim na ugnayan noong kasagsagan ng pandemya.
Kinumpirma ni Bea na kasintahan na niya si Dominic noong August 2021, ayon sa ulat ng 24 Oras.
Read: Bea Alonzo-Dominic Roque love story: From friends to lovers
Na-engage ang couple noong July 2023.
Read: Bea Alonzo and Dominic Roque engaged!
Masaya pa nilang ibinahagi sa PEP.ph ang tungkol dito nang dumalo sila sa GMA Ball ilang araw matapos ang proposal ni Dominic kay Bea.
Read: Bea Alonzo on Dominic Roque's proposal: "It was so raw. It was so real."
Hanggang sa napansin ng netizens na tila may problema ang dalawa nito lamang January 2024, lalo pa't hindi na suot ni Bea ang engagement ring mula kay Dominic.
Habang isinusulat ang artikulong ito ay tahimik pa sina Bea at Dominic sa isyu.
Bukas ang PEP.ph sa anumang pahayag ng mga personalidad na nabanggit sa artikulong ito.
