PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Dominic Roque hints at engagement with Bea Alonzo

Netizen: "Ganito dapat ang lalaki kapag tinanong diretso sagot agad."
by Khryzztine Joy Baylon
Published Jun 14, 2023
Dominic Roque hints engagement with girlfriend Bea Alonzo
Dominic Roque (left) sets the record straight regarding his plans to propose to girlfriend Bea Alonzo (right).
PHOTO/S: Dominic Roque Instagram

Mariing itinanggi nina Dominic Roque at Bea Alonzo ang haka-hakang engaged na sila.

Ito'y matapos kumalap ng iba't ibang reaksiyon ang Instagram post ni Dominic noong June 4, 2023, kung saan makikita ang ilang romantic beach photos nila ni Bea habang nag-e-enjoy ng candle-lit dinner sa pampang ng Amanpulo.

Walang caption ang post kundi isang finger heart emoji na mas lalong nagpatindi sa hinala ng kanilang fans na baka nag-propose na umano si Dominic kay Bea.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Sa TikTok video na in-upload ng TV5 entertainment reporter na si MJ Marfori nitong June 13, 2023, makikitang nakausap niya sina Dominic at Bea.

Hindi pinalampas ni MJ ang pagkakataong tanungin ang dalawa kung ano nga ba ang kuwento sa likod ng kanilang nag-viral na mga litrato.

Paliwanag ni Dominic, “Actually, mukhang engagement talaga, pero it was 2021 pa yung picture namin na yon.

"Late lang lagi talaga akong mag-post."

Dagdag pa ni Bea, "Late post lang, but that doesn't mean we're engaged in 2021, hindi.

"Just to clarify, we're not engaged."

Sundot na tanong ni MJ, "The next question is, will it be next?”

Mabilis na sagot ni Dominic, "Yes, it will. It will be next. Soon."

NETIZENS REACT

Sa comments section ng TikTok video ni MJ ay bumuhos ang mga komento na humanga sa naging sagot ni Dominic.

Saad ng isang netizen (published as is), "Eto ung dapat very straightforward ang sagot ni dom sure na sure sya the way he answered IT WILL BE NEXT SOON."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Sabi ng isa, "Grabe yung sagot, yes agad. Grabe kana Bea, how to be you?"

Komento pa ng isa, "Ganito dapat ang lalaki kapag tinanong diretso sagot agad."

Sabi naman ng isa, "Ganyan dapat yung mga sagutan same kay Dominic, SURE AT POSITIVE.Hindi yung nag-iisip pa at daming paligoy-ligoy."

Hindi ito ang unang pagkakataong natanong sina Bea at Dominic tungkol sa mga plano nila sa kanilang relasyon.

Read: Have Dominic Roque and Bea Alonzo talked about getting married?

Noong January 26, 2023, nang mag-guest si Bea sa Fast Talk With Boy Abunda ay inusisa na rin siya ng host ukol sa plano nilang pagpapakasal ni Dominic.

Sagot ni Bea, “We would talk about the future, definitely in building a family, ganyan.”

Sundot pang tanong ni Boy Abunda, “And when you do talk about the future, nadadaanan ba yung pagpapakasal?”

Mabilis na sagot ng aktres, “Siyempre naman. I'm already in my 30s so hindi puwedeng hindi mapag-uusapan yan.”

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Read: Bea Alonzo says being bigger star than boyfriend Dominic Roque nonissue to them both

DOMINIC-BEA ROMANCE

Noong August 9, 2021 nang kumpirmahin ni Bea sa publiko ang espesyal nilang relasyon ni Dominic.

Read: Bea Alonzo finally confirms relationship with Dominic Roque

Pero pag-amin niya sa Cosmo Confession ng Cosmo.ph, January 28, 2021, ang eksaktong petsang sinagot niya ang aktor.

Ayon pa kay Bea, dahil sa takot niyang muling masaktan ay tumagal nang mahigit isang taon ang panliligaw sa kanya ni Dominic.

"It took more than a year of dating kasi ayaw ko siyang lagyan ng label.

“Parang kami na, pero I’m just so scared to put the label on it and make it official.

“Kasi nakakahiyang paulit-ulit na nagkakamali in front of the public.”

Read: Bea Alonzo reveals reason it took more than a year before she said “yes” to Dominic Roque

Ang paulit-ulit na pagkakamaling tinutukoy niya ay ang failures ng kanyang relasyon. Bago nito, pinag-usapan nang husto ang hiwalayan nila ng ex-boyfriend na si Gerald Anderson noong July 2019.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Read: Bea Alonzo closes door on ex-boyfriend Gerald Anderson: “I can never be friends with somebody I cannot trust.”

Pagpapatuloy ni Bea, “When you will go through like in very public breakup, yung paulit-ulit na public breakup, actually hindi siya masaya.

“It’s something you don’t want to go through again.”

Takot man na muling masaktan ulit, napagtanto raw ni Bea na mas hindi niya kayang mawala ang isang taong nagpapasaya sa kanya.

Ito ang kanyang inamin sa PEP Spotlight, ang taped online show ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal).

Saad niya, “Since Dom [Dominic], he knows values himself and worth talagang sinabi niya na, well if we're not going to put label in this relationship, we might as well end it.

“Ni-reassess ko rin yung sarili ko na kaya ko ba kung mawawala itong tao na ito sa akin?’

“He makes me happy, he completes my day, and naisip ko baka he’s worth it.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Maybe he’s worth na tayaan ko muli yung pag-ibig.”

Read: Bea Alonzo-Dominic Roque love story: From friends to lovers

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Dominic Roque (left) sets the record straight regarding his plans to propose to girlfriend Bea Alonzo (right).
PHOTO/S: Dominic Roque Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results