Sa kabila ng kanyang showbiz hiatus, hindi nakalimutan ni Angel Locsin na makisimpatiya sa mga naulila ng Dreamscape Entertainment head na si Deo Endrinal.
Ang pinakahuling teleseryeng pinagbidahan ni Angel, ang The General’s Daughter (2019), ay ipinrodyus ng Dreamscape.
Inanunsiyo ang pagpanaw ni Deo sa pamamagitan ng social media post ng anak nitong si PJ Endrinal noong Sabado, February 3, 2024.
Read:
- ABS-CBN executive Deo Endrinal dies
- Judy Ann, Claudine, Bea, Vice, other celebrities pay tribute to the late Deo Endrinal
Sa isang Instagram video na ipinost ng Eric John Salut, ad prom head ng ABS-CBN, ibinahagi niya ang kuha ng nakahilerang funeral flowers na ipinadala ng mga artista at mga kilalang tao para makiramay sa mga naiwan ni Deo.
Ipinakita ni Eric John ang funeral flowers mula kay Angel at asawa nitong si Neil Arce.
“Our deepest condolences,” mababasa sa ribbon ng flowers na ipinadala nina Angel at Neil.

Nagpadala rin ng bulaklak sina Regine Velasquez at Ogie Alcasid, Maricel Soriano, Richard Yap, Bianca Manalo, Charo Santos-Concio, at marami pang iba.
ANGEL LOCSIN GRATEFUL TO DEO
Noong September 2019, sa farewell presscon ng The General’s Daughter, nagpahayag ng malaking pasasalamat si Angel kay Deo dahil ito lamang daw ang sumugal sa aktres na mag-come back sa action genre.
Isa si Angel sa mga aktres na gumawa ng maraming action series.
Sa presscon proper, binanggit ni Angel na ang Dreamscape ang nag-produce ng FPJ’s Ang Probinsyano at The General’s Daughter.
Sabi ni Angel noon, “Utang namin dito sa Dreamscape… magaling lang ho talaga silang gumawa ng mga shows na dekalidad, na alam nila kung ano ang kiliti ng mga tao.
“And gusto ko lang pong magpasalamat sa Dreamscape for trusting me, especially kay Sir Deo.
“Nung time na yon, parang hindi naman ako dapat magtatrabaho pa, e. Pero nung nakausap ko si Sir Deo, pinagkatiwalaan niya ako.
"Maraming-maraming salamat talaga. Siya lang nagtiwala sa akin ulit, e, na gumawa ng action. Kasi lahat takot, e.
“So, siguro nama na-prove ko naman na kaya ko pa.”
Read: Korean food vlogger apologizes for racist portrayal of Filipinas in content
FANS CONTINUE TO LOOK FOR ANGEL
Hanggang ngayon ay nananatiling tahimik si Angel kahit na sa social media.
Hindi siya aktibo sa X (formerly known as Twitter).
Ang huling post niya sa Instagram ay tungkol sa baby shower ni Angelica Panganiban noong August 2022 pa, at hindi pa ito nasusundan.
Sa recent interviews ng kanyang best friend na si Dimples Romana, ilang beses nitong iginiit na wala pang intensiyong magbalik-trabaho ni Angel at ninanamnam muna nito ang kanyang private life.
Pero tiniyak ni Dimples na maayos ang kanyang kaibigan na may pagkakataong nabibisita niya sa bahay.
Read: Dimples Romana says Angel Locsin “very much aware” people look for her
Mas aktibo naman sa pagpo-post ang asawa ni Angel na si Neil.
Pero kahit sa mga IG post ni Neil, karamihan sa mga nagkokomento ay nagtatanong at kinukumusta si Angel.
Ito rin ang naging laman ng comments ng netizens sa post ni Neil noong February 1, 2024.
Pero hindi sumasagot si Neil.




