Racism at its finest.
Isa lamang ito sa maraming puna na nakuha ng South Korean food vlogger na si Tzuyang dahil sa recent content nitong kumutya sa mga Pilipino.
Sa kanyang kontrobersiyal na video, hindi lamang mga Pinoy kundi maging mga kapwa Koreans ang hindi natuwa.
Dahil sa matinding pagkondena, naglabas ng apology ang vlogger na si Tzuyang, na mayroong 9. 28 million YouTube subscribers.
Sa kanyang recent food content, kunwari ay guest ni Tzuyang ang isa niyang kunwari'y Filipino subscriber.
Pagkatapos ay tinawag niya ang kanyang guest—ang Korean comedienne na si Kim Ji Young.
Pero nagpakilala si Kim Ji Young bilang si “Nitong,” isang Pilipina.
Nagsalita si “Nitong” in broken Korean na may exaggerated accent. In character siya bilang Pilipina na pinipilit makipag-usap sa Korean.
Sinabi ni Nitong na siya ay isang Pilipina na nagpunta sa Korea at nakapangasawa ng isang Korean farmer para maranasan ang buhay sa Korea.
Hindi naman ito ang unang beses na gumanap bilang Nitong ni Kim Ji Young. Ginampanan na rin niya ang karakter na ito sa ilang palabas sa South Korea, ulat ng allkpop.com.
Read: VIRAL: Empleyadong ninakawan na nga ng baon, na-HR pa!
FILIPINO AND KOREANS SLAM MUKBANG YOUTUBER TZUYANG
Bumuhos ang matinding batikos sa content na ito ni Tzuyang, dahilan para burahin niya ang video.
Komento ng isang Pinoy fan ni Tzuyang: “Inviting a ‘comedian’ to portray stereotypes of Filipinas, and imitate the accent is so disrespectful. Racism at its finest.”

Sabi ng isa pa, “This is such a very disrespectful way of pinoy-baiting. Apparently, the woman is not a real Filipino; not even a quarter!
“Tzuyang should be called-out for this cuz this is not okay.”


Read: Pinaluwag na Ortigas MRT walkway, maraming natuwa; temporary lang pala
Isang Korean vlogger ang tinalakay rin ito sa TikTok, at nag-translate ng comments ng Koreans bilang reaksiyon sa video ni Tzuyang.
Isa sa translated comment: “Imagine someone else was depicting global stars such as Son Heung Min and BTS with an exaggerated Korean accent.”
Dahil dito, naglabas ng apology statement si Tzuyang.
Nag-effort pa siyang i-translate ito sa Tagalog.
Bahagi ng kanyang paghingi ng sorry (published as is): “Gusto ko po mag express ng aking sincerest apology regarding sa video na i-upload noong 28thh ng Enero kasama ng mga Komedyans na Koreano para sa mga Filipino viewers at mga subscribers po.
“Gusto ko po mag sabi na marami po akong respeto kay Pilipinas at lagi naman po akong mag sasalamat sa mga lahat ng viewers ko sa Pilipinas
“Pero hindi po ako na pansin na itong content ngayon ay pwede maging offensive sa ibang viewers.”
Bilang panghuli, sinabi ni Tzuyang na magiging maingat siya sa kanyang gagawing content.
Read: Controversial 'Miss Japan' 2024 dates married man; gives up crown
TZUYANG apology statement

